• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong Meteor Garden stars, aminadong naninibago pa sa kanilang kasikatan

Bagong Meteor Garden stars, aminadong naninibago pa sa kanilang kasikatan

Ibinahagi ng Meteor Garden 2018 stars na sina Shen Yue, Dylan Wang at Darren Chen kung paano sila makitungo sa kanilang fans.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/12/2018 10:45 AM
Bagong Meteor Garden stars, aminadong naninibago pa sa kanilang kasikatan


 

Tinitilian, pinagkakaguluhan at kinakikiligan ang mga bida ng 2018 Meteor Garden cast, na libu-libo agad ang followers dahil sa maiinit na eksena ng show.

Pero dahil sa kasikatan, naninibago ba ang bagong F4 at si Shan Cai?

“I will choose to separate my life and work although I am an artist. I'm enjoying going out with my friends but I'm going to take pictures with the fans but not to ruin in my daily life,” kuwento ni Shan Cai o aktres na si Shen Yue sa naging panayam ng ABS-CBN News.

Ayon kay Shen Yue, pinagbibigyan niya ang kanayng fans na magpa-picture kapag nasa labas siya, pero mahalaga pa din daw ang personal niyang buhay at nag-eenjoy siya na makipag-bonding kasama ang kanyang mga kaibigan.

Instant heartthrob naman si Dylan Wang aka Dao Ming Si pero sang ayon din daw siya na dapat ay may private life ang isang artista.

“The first time I saw my fans I just treated them as my friends because I think they support me just like my brothers. When I see them I just say hi and take photos with them. I think you should have a private life also even though you're an artist,” sabi naman.ni Dylan tungkol sa topic ng kasikatan.

Aminado naman si Hua Ze Lei o si Darren Chen na naninibago siya sa biglang celebrity status niya ngayon lalo’t simple lang ang buhay siya noon. Alam din daw ni Darren na pagkakaguluhan siya ng fans, pero responsibilidad niya na maging "lodi" nila dahil kasama ito sa pagiging aktor.

“I'm very low profile, I was not that outgoing before but now I'm an artist i know there will be fans to follow me and ask me to take pictures with them. This is my choice and I think this is my responsibility to them. I will be a true idol to them and they will know that it's ok to like me and we are equal with each other,” paliwanag ni Darren.

Para naman kina Connor Leung, at Caesar Wu na gumaganap bilang Xi Men at Mei Zuo dapat maging maayos ang pakikitungo sa sincere na suporta ng fans.

Mapapanuod ang Meteor Garden 2018  sa ABS-CBN simula August 20.