• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez proud sa papuri kay Arjo Atayde sa ‘Buy Bust’
Sylvia Sanchez proud sa papuri kay Arjo Atayde sa ‘Buy Bust’
Pinasalamatan din ni Sylvia Sanchez ang mga papuri na tinatanggap ng anak.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

8/11/2018 12:38 PM
Sylvia Sanchez proud sa papuri kay Arjo Atayde sa ‘Buy Bust’


Photo credits: @arjoatayde IG

 

Labis na ikinatuwa ng aktres na si Sylvia Sanchez ang natatanggap na papuri ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa kanyang pagganap sa pelikulang Buy Bust.

 

“Siyempre, proud Mom. Sobra akong (proud) lumulutang din ako para sa anak ko, yung feeling na parang wow kasi ito talaga yung inilaban namin ni Arjo sa pamilya namin,” kuwento ni Sylvia sa press sa opening ng Beutederm clinic.

Dagdag pa ni Sylvia, tutol ang ilang miyembro ng kanilang pamilya sa pagpasok sa showbiz ni Arjo.

“From the start, ayaw talaga siya pag-artistahin kasi ang gusto ng pamilya mag-aral tapos mag-business. Alam mo yung ganun. Tapos ako lang si ‘ito yung gusto ng anak ko e, wag natin pigilan’ so inilaban namin ng anak ko kasama ko ang mother in-law ko. Ito ngayon, nanalo kami,” masayang kuwento ni Sylivia.

 

“Sa akin kasi mas natutuwa ako na kapag sinasabihan ako, ang galing ng anak mo, kesa yung sinasabihan ako na magaling ka siyempre tunay na trophy yun bilang isang ina,” dagdag ni Sylvia.

Ayon pa sa aktres, masaya siya sa pinaghirapan ng kanyang anak.

“Napatunayan talaga ni Arjo na ‘ito yung field ko ma ito yung gusto ko,’ kasi magulang lang naman tayo guide lang nila tayo,” proud na sabi ng aktres.

Sa ngayon, looking forward si Sylvia sa isang upcoming project sa kapamilya network.