• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Winwyn Marquez, ikinuwento kung kailan niya balak magkaroon ng sariling pamilya

EXCLUSIVE: Winwyn Marquez, ikinuwento kung kailan niya balak magkaroon ng sariling pamilya

Winwyn Marquez, inilarawan si Joey Marquez bilang isang overprotective na ama.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/11/2018 10:14 AM
EXCLUSIVE: Winwyn Marquez, ikinuwento kung kailan niya balak magkaroon ng sariling pamilya


 

Aware ang beauty queen turned actress na si Winwyn Marquez na introducing sa pelikulang Unli Life ng Regal Films na ayaw muna ng father niyang si Joey Marquez na magpakasal sila ng boyfriend na si Mark Herras.

Ani Winwyn, “Akala niya ata sixteen pa rin ako. Siyempre, ganun naman lahat ng daddy, very protective sa kanilang daughters.

“I hope before 30 magkaroon na ako ng sariling pamilya. Pero siyempre, wala namang expiration date yan, o wala namang date na nakalaan, di ba? Depende naman yan sa nangyayari, pero hopefully before 30, kasi 26 na ako, eh.”

Kadalasan ay dinadaan na lang daw niya sa biro ang pagpapaalam sa ama.

“Naku, daddy, malapit na. Pero hindi niya naman ako papansinin. May plano na rin kasi akong bumukod sa kanya, hindi na niya ako papansinin. Ayaw niya akong umalis. Ipapaayos niya yung kuwarto ko, ganun.

“Sabi naman niya kasi, ‘why leave the house if you could stay here first and then save ka muna ng money,’ tapos saka na lang daw ako bumili ng sarili kong bahay talaga.
 
“May ipon naman ako, pero siyempre it’s not enough pa to have a family. Hindi pa naman siya enough,” kuwento pa ng dalaga.

Pinakikinggan naman daw niya ang advice ng ama.

“Totoo naman ang sinabi niya na love is not enough. Kailangan stable ka sa lahat ng bagay – emotional, spiritually, financially, lahat. Nakikinig naman ako sa advice niya kaya ngayon, work, work, work talaga.

“Even naman kay Mark, he is working talaga. He is working hard,” she said.

Eh, kumusta naman si Mark at ang daddy niya?

“Very civil,” sabay tawa ni Winwyn. “Wala akong ibang puwedeng description kundi they are very civil. Civil lang sila,” dagdag pa ng 2017 Reina Hispanoamericana title holder.