• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino at Angelica Panganiban may intimate scene sa ‘Exes Baggage’

Carlo Aquino at Angelica Panganiban may intimate scene sa ‘Exes Baggage’

Labis na ikinatuwa ni Carlo Aquino ang mainit na suporta ng kanilang mga taga subaybay.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/11/2018 11:23 AM
Carlo Aquino at Angelica Panganiban may intimate scene sa ‘Exes Baggage’


 

Ibinunyag ng aktor na si Carlo Aquino ang mga dapat abangan sa kanyang upcoming movie kasama si Angelica Panganiban na Exes Baggage ng Star Cinema.

Kuwento ng aktor, aasahan ang kakaibang daloy ng kuwento kabilang ang kanilang pagsabak sa intimate scenes.

 

 

Anghel sa lupa 6/14/18

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

 

“Parang may love scene,” nakatawang sabi ni Carlo sa press nitong Miyerkules, August 8, sa naganap na opening ng Beutederm branch sa San Juan.

Ayon pa sa aktor, hindi niya akalain na magiging mainit ulit ang suporta sa kanila ng kanyang ex na si Angelica.

 “Nagugulat ako doon sa pagtanggap ng mga tao na nandyan pa din sila, kinikilig pa din sila sa amin. Siguro nakadagdag nalang din sa amin na parehas kaming single, wala kaming dine-date or hindi kami taken,” kuwento pa ni Carlo.

Aniya, walang ilangan na naganap sa kanila ni Angelica habang ginagawa ang kanilang mga eksena.

“Hindi. Sobrang komportable kasi kami sa isa’t isa pero si direk Dan [Villegas] iba yung executions niya, ang ganda nung ginawa,” pahayag pa niya.

Inaasahan na bago magtapos ang taon mapapanuod ang Exes Baggage sa direksyon ni Dan Villegas.