Arjo Atayde pang malakasan ang performance sa ‘BuyBust’

Pinaghahandaan din ni Arjo Atayde ang kanyang upcoming TV project.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/11/2018 11:11 AM
Arjo Atayde pang malakasan ang performance sa ‘BuyBust’


 

Isa ang performance ng aktor na si Arjo Atayde sa mga napansin sa action movie ni Erik Matti na Buy Bust.

 

 

Kuwento ni Arjo, malaki ang pasasalamat niya sa mga positibong komento na kanyang natatanggap sa kanyang naging performance.

“Yes, very thankful and overwhelming yung comment for Buy Bust, no words for it. Still in shock up to now kasi this is my first legitimate movie. I’m very blessed and thankful sa lahat ng comments and reviews,” pahayag ni Arjo sa opening ng branch ng kanyang endorsement.

Kuwento pa ni Arjo, labis siyang nanabik sa muling pagbabalik ng action movies sa TV at mga sinehan.

“I’m happy they’re coming back, from telerseryes, movies na mga lalabas. Hopefully sa transition sa new format sa Philippine cinema na it’s not only love stories being produced, but more diverse stories,” sabi pa niya.

Bukod sa Buy Bust, labis din na pinaghahandaan ni Arjo ang kanyang pagbabalik telebisyon sa The General’s Daughter.

“Magagaling yung mga kasama ko e, so aabangan yung acting. Yung story very nice, kakaiba, especially yung pagbabalik action ni Angel Locsin. Maraming aabangan na pasabog,” pahayag pa ni Arjo.