• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana recalls ‘dark time’: ‘Naghiwa ako paulit-ulit hanggang dumugo’

EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana recalls ‘dark time’: ‘Naghiwa ako paulit-ulit hanggang dumugo’

Inamin ni Direk Jason Paul Laxamana na mas nakaka-relate siya sa mga nakaka-depress na eksena sa kanyang mga pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/10/2018 10:15 AM
EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana recalls ‘dark time’: ‘Naghiwa ako paulit-ulit hanggang dumugo’


 

May konek pala sa personality ni Jason Paul Laxamana, ang writer and director ng pelikulang Bakwit Boys ng T-Rex Entertainment kung bakit sa ilang previous movies na ginawa niya ay hindi naiiwasang may mga nakaka-depress na eksena. Do’n daw kasi siya nakaka-relate.

“Kasi mas malapit ako sa ganun,” rason niya sa PUSH.

“Kaya feeling ko, kapag gumagawa ako ng masayang romcom parang hindi ako yon. Parang ginagawa ko lang yon kasi trabaho. Pero pag ganito, mas at home talaga ako,” pag-amin pa niya.

Ini-reveal ng director sa PUSH na dumaan din siya noon sa depression during college days.

Kuwento niya, “Nagsusugat ako nung college sa braso. Hindi about love pero more of sa buhay, sa academics, ganun. Masyado kasing mataas yung standards ko sa sarili ko, sa performance ko sa school.

“Yung sa akin kasi parang pinaparusahan ko yung sarili ko dahil nabigo ka sa tinatarget ko, sa certain goal, sa grades.

“Merong dark time nung college ako na gamit ang takip ng ballpen, naghiwa ako paulit-ulit hanggang dumugo.”

Hindi raw naman maituturing na pagsu-suicide ang kanyang ginawa noon.

Aniya, “Magkalapit… magkalapit. Parang pag hindi mo inagapan it can lead to that. Pero tapos na yon, hindi na ako ganun.”

Eh, paano ba niya na-overcome ang ganung pakiramdam?

“Usually, people would seek either professional help or seek help from friends or family. Pero kasi ako, hindi ako ganung tao, eh. Hindi ako ma-reach out na tao, so I really had to work on myself.

“Talagang sarili ko talaga. In-adjust ko talaga yung pananaw ko kahit mahirap and every year, meron ring dumadating na time… Merong particular season ng taon na hindi mo talaga maiiwasan na nandyan lang siya.

“Pero the difference now is pag nandiyan siya, aware ako na temporary lang siya, so hinihintay ko lang siyang mawala. Dati kasi pag dumating parang dinidibdib mo.

“Parang feeling mo forever ka ng ganun, feeling mo wala kang kuwenta for the rest of your life, pero ngayon pag dumarating siya, alam ko na pansamantala lang ito, kailangan ko lang hintaying mawala. Yon ang pananaw ko ngayon, so nasu-survive ko siya,” pahayag ng director sa PUSH.

Samantala, ayon kay Direk Jason, ang Bakwit Boys na showing on August 15 is a musical film about siblings na nangangarap makilala bilang sikat na singers. Hindi raw malungkot ang pelikula na pinagbibidahan nina Vance Larena, Nikko Natividad, Mackie Empuerto, Devon Seron, and Ryle Santiago.