• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales, tuluy-tuloy na ba sa pag-produce ng mga pelikula?

Erich Gonzales, tuluy-tuloy na ba sa pag-produce ng mga pelikula?

Ibinahagi ni Erich Gonzales kung ano pang balak niya gawin behind the camera.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/10/2018 10:19 AM
Erich Gonzales, tuluy-tuloy na ba sa pag-produce ng mga pelikula?


 

Mas lumalim pa ang interes ni Erich Gonzales to work behind the camera pagkatapos niyang i-co-produce ang action film na We Will Not Die Tonight na siya rin ang bida at idinirek naman ni Richard Somes.

“After po siguro nito, pag nagkaroon na ng time, balak ko ring mag-aral ng Film abroad and siguro mag-start na ring magsulat ng story or yung concept. So, slowly, we’ll get there po,” kuwento ng Kapamilya star sa PUSH.

Ano ba ang hardship na naranasanan niya bilang film producer?

Ani Erich, “Bukod sa costing… pagkatapos kasi ng paggawa ng pelikula do’n talaga mag-i-start yung stress, eh. Kasi hindi naman po kami funded ng isang film outfit.

“Kami-kami lang po yung nag-struggle sa production, yung EG Films and then may iba pang tumulong sa amin, talagang tulung-tulong kami dito. What’s the next step, paano ito ilalako, sinong magdi-distribute?”

Pero ayon kay Erich, worth it daw naman ang kanyang experience.

“Nung nag-usap po kami ni Direk, sinabi niya, ‘Oh, ganito yung kailangan natin Erich para mabuo itong pelikula, so okay, ganyan.’ Basta milyon po siya, nabawasan yung savings.

“Pero worth it talaga, ibang klaseng fulfillment pag napanood mo yung pelikula. Nakaka-proud lang talaga na hindi namin akalain na…” sey pa niya.

Aware din ang aktres na posibleng malugi ang kanyag investment sa pelikula.

“Of course, yes po. Ako, personally, I’m not after don sa money kung mababalik ba or what. Pero nabalik na po siya, nabalik na siya. Nabili na siya, na-acquire na siya, yung TV rights,” masaya niyang balita.

Dagdag ng aktres, “Pero ginawa talaga namin ito ni Direk hindi naman para kumita, kasi nung time na yon sabi ko talaga gusto kong makagawa ng isang pelikula na hindi ko pa nagagawa ever before. Gusto kong mahirapan, gusto kong ma-experience yung kakaiba, so eto na yon, dumating yung We Will Not Die Tonight.”

Magpo-produce ba ulit siya ng pelikula?

“Yes, kahit hindi na po ako yung artista, basta may istorya na maganda at kakaiba puwede po nating i-produce yan.

“You know what, it’s so funny, kasi di ba nalaman nila na, ‘producer yan, ganyan,’ so lahat ekstrang bait. ‘Baka naman gusto mo sa next movie na ipo-produce mo sama ako.’

“Lahat sila nagpaparamdam. Siyempre, sa Blood Sisters nandiyan sina Falcon (Ejay). ‘O, day baka gusto mo ng action film, puwede ako dyan,’ mga ganyan. Sina Enchong (Dee), sina Cherry Pie (Picache), Miss Dina, ‘sali ako ha?’

“Siguro, as a producer hindi ako babase sa kung sino yung super sikat or big name, siguro do’n ako titingin kung sino talaga yung nababagay sa story at don sa role. It’s nice also na mabigyan ng chance yung… marami tayong magagaling na artista dito na naghihintay lang ng break nila.

“Tulad ko before ang tagal kong naghintay, di ba, so sana in a way makatulong din tayo sa kanila at maging instrument ako para magawa nila yung gusto nilang gawin,” huling pahayag ni Erich sa PUSH.