• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion and Yen Santos choose the better kisser between Jericho Rosales and Sam Milby

Yam Concepcion and Yen Santos choose the better kisser between Jericho Rosales and Sam Milby

Yam Concepcion: ‘Si Echo passionate yung kiss niya... si Sam naman sobrang wild.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/1/2018 9:42 AM
Yam Concepcion and Yen Santos choose the better kisser between Jericho Rosales and Sam Milby


 

Sa Tonight with Boy Abunda, namili si Yen Santos at Yam Concepcion kung sino ang better kisser kina Jericho Rosales at Sam Milby na leading men nila sa teleseryeng Halik.

Ayon kay Yam, “hindi ko pinipersonal yung mga kisses nila, pero more on, kunwari sa eksena since asawa ko si Echo dito passionate yung kiss niya sa akin, si Sam naman sobrang wild nung kiss niya. So dun na ako sa passionate.”

Ayon naman kay Yen, “si Sam, wild nga gaya ng sabi ni Yam... gigil. May sipsip, tapos yung lips niya parang buong bibig parang gusto niyang ano ngangain. Si Echo naman, sweet siya mag-kiss, passionate.” 

Natanong din sila tungkol sa love life nila. Almost four years na diumano si Yam at boyfriend nitong si Miguel CuUnjieng. Nang tanungin kung paano nila napapag-work ang long distance relationship, ani Yam, “ang hirap Tito Boy e, hindi siya madali e. Pero I’m surprised kung bakit sa aming dalawa it works out.”

Nang tanungin kung nagseselos si Miguel, sagot ni Yam ay, “siyempre nagseselos din siya pero hindi yung borderline jealous na nakakainis na.” 

Inamin naman ni Yen na dating siya ngayon. Paglilinaw pa niya, “dating but not available.”