• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales on working with Kristine Hermosa: ‘Bakit hindi, game!’

Jericho Rosales on working with Kristine Hermosa: ‘Bakit hindi, game!’

Bukas si Jericho Rosales sa posibilidad na makatrabaho muli si Kristine Hermosa.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/1/2018 9:28 AM
Jericho Rosales on working with Kristine Hermosa: ‘Bakit hindi, game!’


 

Aware si Jericho Rosales na nagbalik-Kapamilya ang dati niyang ka-love team at karelasyon na si Kristine Hermosa na napapanood ngayon sa primetime series na Bagani.

Kontrabida si Kristine nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Bagani.

“Talaga ba? Nakita ko lang siya sa isang eksena,” sambit ni Echo.

Eh, anong reaksyon niya na bumalik sa pag-arte si Kristine?

“Masaya. Kasi alam ko, ayaw na niyang umarte, eh, di ba? So, I think, she’s having fun now. Alam ko si Kristine very focused yan sa family niya and that’s a great thing,” he said.

Kung muling mabibigyan ng pagkakataon, okey lang ba sa kanya na makatrabaho ang aktres sa isang teleserye?

Mabilis na sagot ni Jericho, “Bakit hindi? Game!”

Dugtong ng aktor, “Okey lang naman sa akin. Kung gusto n’yo mag-guest ako sa Bagani, eh,” sabay tawa niya.

“Alam mo, masaya na si Kristine do’n. Huwag na natin siyang guluhin. Pero pag tinawag nila ako, bakit hindi?”

Samantala, ayon sa aktor, itinuturing niyang isang ground breaking project ang bagong teleseryeng Halik na pinagbibidahan niya.

“In a way it’s ground breaking because it’s the perspective naman ng lalaki. Parang bigla naman siyang nasa center. So, slowly we are introducing… binabale natin yung formula, parang ganun.

“I’m not a fan of this ha, na we always have to please everyone, hindi ako ganun. I know, we cannot please everybody, but gusto ko ng growth, parang ganun, and the team knows that.

“Lagi kong sinasabi sa kanila, ‘Baliin natin ito, gawin nating ganito.’ O kaya sa sarili ko, ibahin natin yung atake nito. But there’s a place for it, so I am happy na may TV pa at may teleserye pa because may feeling ako na someday soon, it’s going to phase out,” paliwanag ng aktor.

Base sa poster ng Halik, halatang si Jericho ang bida ng teleserye.

“Wala akong isyu diyan kasi marami na akong tinanggap na projects na nagsu-support ako. Na-experience ko na na second billing ka, na-experience ko na na malaki, maliit yung picture ko. Wala akong problema sa ganyan kasi I’m always looking at the project in totality, parang ganun,” pagtatapos ni Jericho sa PUSH.