• Home
  • Fresh Scoops
  • Chai Fonacier, inamin na dati ay insecure dahil sa pagiging morena

Chai Fonacier, inamin na dati ay insecure dahil sa pagiging morena

Idinetalye ni Chai Fonacier kung paano niya na-overcome ang insecurity sa pagiging morena.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/1/2018 9:34 AM
Chai Fonacier, inamin na dati ay insecure dahil sa pagiging morena


Photo credit: @chaifonacier on IG

 

From being a regional actress sa Cebu ay na-penetrate na rin ni Chai Fonacier ang independent film sa Manila. Napanood si Chai sa mga pelikulag Patay Na Si Hesus, Pauwi Na, at Respeto ng 2017 Cinemalaya Film Festival.

Sa tatlong pelikula, nagwagi rin si Chai bilang best supporting actress kaya tagumpay ang desisyon niyang iwanan ang Cebu at dito magtrabaho sa Maynila. Mapapanood din siya sa teleleseryeng Halik ng ABS-CBN.

“Hindi pa aka gaanong katagal dito (Manila) at ang daming culture clash na nangyayari at adjustment na nangyayari, pero very interesting. But I think the reason why I moved here was after nung mga films na nagawa namin don sa Cebu, I thought na parang ito yung story telling na gusto kong gawin for an indefinite period of time. Gusto ko ring may maiuuwi ako sa Cebu film community kung sakali man, at least may maitutulong ako, di ba?

“Kasi may mga nauna na sa akin, eh, marami na silang naiambag. Ako rin, gusto kong mag-ambag sa Cebu community,” dahilan ni Chai kung bakit iniwan ang Cebu.

Ang aktres ang bida sa Pista ng Pelikulang Pilipino entry ng Quantum Films na Pinay Beauty (She’s No White). Ayon kay Chai, naka-relate siya sa pelikula na ang istorya ay tungkol sa isang Pinay na gustong magkarooon ng total beauty transformation.

Kuwento ni Chai, prinoblema niya raw noon ang kanyang brown skin dahil pakiramdam niya ay pangit siya.

Aniya, “When I was much younger, akala ko mas okey kung mas maputi ako kasi yung nanay ko is fair skinned. And then our youngest, fair skinned din. Ako kasi nagmana ako sa tatay ko.

“Ang hindi ko maintindihan ay yung reaksyon ng mga tao noon kung bakit iba yung treatment nila sa mga fair skinned na classmates ko at sa mga browner skin.

“So, I thought that I should be fairer skin. So, I went to my aunt’s room, grabbed a whitening lotion and stuff.”

Pero pagkatapos ng ilang taon ay nagbago naman daw ang tingin niya sa sarili.

“Three years later, na-hurt ako nung minsang makita ko, yung tagline sa billboard na ‘kutis Pinay’ pero lahat ng babaeng nakalagay don sa billboard na yon ang puputi. So iniisip ko, bakit hindi pa ako kasali diyan? Bakit hindi ako kasali sa kutis Pinay?

“Don ako nagsimulang magtanong. Bakit may mga ganitong standards? Na eventually, na-realize ko na hindi lang sa brown skinned nangyayari. Nangyayari din siya sa mga fair skinned girls na napi-feel din nila yung pressure to look a certain way para matanggap sila,” paliwanag pa ni Chai.

Nagbigay din ng advice si Chai kung paano i-overscome ang insecurities pagdating sa pagiging iba ng kulay ng balat.

“Dapat turuan natin ang mga bata, mga anak natin na tanggapin ang sarili nila, kung sino sila and to focus on the more important things, that to know that you are loved beyond your physique.

“With the help of my mom and my sister and parang self explanation na rin naintindihan ko ang lahat. Ang hope ko kasi, sana yung mga bata don’t go through the phase of hating themselves. They don’t deserve that, they don’t deserve yung ganung klaseng treatment.

“We don’t have the right to make kids feel that way and grow up feeling inadequate just because of the way they look. That is why this project is very close to me.

“Right now I do not feel insecure about the way I look. I am truly fine with how I am and I’m an advocate of your body, your choice. Nobody has any right to comment on the body that nobody holds own except you,” pahayag niya sa PUSH.

Kasama ni Chai sa Pinay Beauty sina Edgar Allan Guzman, Janus del Prado, Maxine Medina, Nico Antonio at marami pang iba.