• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz, handang harapin ang demanda sa kanya ng businesswoman na si Kathy Dupaya

Sunshine Cruz, handang harapin ang demanda sa kanya ng businesswoman na si Kathy Dupaya

Palitan ng maanghang na salita sa social media nina Sunshine Cruz at Kathy Dupaya nauwi sa demandahan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/9/2018 8:00 AM
Sunshine Cruz, handang harapin ang demanda sa kanya ng businesswoman na si Kathy Dupaya


Photo credit: @sunshinecruz718 (R) on IG

 

Aware si Sunshine Cruz na idedemanda siya ng Brunei-based businesswoman na  si Kathy Dupaya at hinihintay na lang daw nila ngayon ang subpoena.

Isa si Sunshine sa nag-invest sa business ni Kathy Dupaya pero sa kasamaang palad ay hindi naibalik ang kanyang investment. Nagpalitan ang dalawa ng maaanghang na salita sa social media na nauwi nga sa planong pagdedemanda ng libel ni Dupaya kay Sunshine.

“Sa ngayon, di ba meron daw siyang case, hinihintay lang namin na matanggap yung  subpoena, then from there let’s cross the bridge when we get there.

“Sabi nga ng lawyer ko, aralin muna namin. Yon talaga ang pinakatamang gawin. Kasi up to now she’s not stopping, eh. Nakauwi na ako’t lahat galing sa Amerika pero hindi pa rin siya tumitigil talaga,” wika ni Sunshine nang makausap siya ng PUSH sa presscon ng Kapag Nahati Ang Puso.

Ayon pa sa kanya, gusto na lang niyang mag-focus sa positive side at iwasan ang negativity.   “I’m just very positive and thankful for all the blessings. Di ba, saan ka nakakita na magpu-forty-one bida sa isang serye, sa pelikula, at pinagkatiwalaan?

“And ang mga anak ko ang tatalino, ang gaganda, healthy lahat. Ako rin healthy. Hindi naman ako nawawalan ng proyekto, endorsements. So, parang I don’t want to focus on negativity na nangyayari buhay ko kasi wala lang yon  kumpara sa blessings na nakukuha ko ngayon,” rason pa ng aktres.

Bigla namang natahimik si  Sunshine nang usisain namin ang tungkol sa relasyon nila ni Macky Mathay at kung ilang taon na silang mag-on. Nakiusap siya na huwag na lang itong pag-usapan dahil hindi pa naga-grant ang annulment nila ng ex-husband na si Cesar Montano.

“Hindi ako puwedeng magsalita ng anything kasi nung nagsalita ako, na-contempt ako, kaya ayoko na  muna. Magastos ma-contempt,” matipid niyang reaksyon.