• Home
  • Fresh Scoops
  • Pelikula nina Bela Padilla, Sue Ramirez at Erich Gonzales kasali sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino

Pelikula nina Bela Padilla, Sue Ramirez at Erich Gonzales kasali sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino

Pista ng Pelikulang Pilipino celebrates its second year with eight film festival entries.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/9/2018 2:34 PM
Pelikula nina Bela Padilla, Sue Ramirez at Erich Gonzales kasali sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino


 

Ipinakilala na ang walong opisyal na kalahok sa ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na isa sa mga proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).  

Unang pelikula sa listahan ay Ang Babaeng Allergic Sa Wi-Fi ni Jun Robles Lana mula sa The IdeaFirst Company. Isang romantic comedy, kasama sa mga bida si Sue Ramirez, Jameson Blake, Markus Patterson, Kiko Matos at Yayo Aguila.

Sumunod naman ay ang Bakwit Boys ni Jason Paul Laxamana para T-Rex Entertainment. Isang romantic- musical, bibida naman ditto sina Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago, Mackie Empuerto, at Kiray Celis.

Ang Madilim na ang Gabi ni Adolfo Alix, Jr. ang entry naman ng Deux Lux Mea Films. Bida sa drama flim sina Gina Alajar, Phillip Salvador, Bembol Roco at Felix Roco. 

Pinay Beauty ni Jay Abello ang entry ng Quantum Films at Epic Media. Kwento ito ng isang barkada road trip at bida naman sina Chai Fonacier and Edgar Allan Guzman. 

 Isa pang kalahok ay ang Signal Rock ni Chito Roño para sa Cape Signal Rock (CSR) Films PH, na ang bida naman ay si Christian Bables.

 Ang ikawalawang entry naman ni Jason Paul Laxamana na The Day After Valentines ay mula sa Viva Films. Bida naman dito sina Bela Padilla and JC Santos.

Unli Life ni Miko Livelo ang para sa Regal Entertainment. Isang comedy adventure na bida sina Vhong Navarro, Winwyn Marquez at Joey Marquez.

Last but not the least ay ang We Will Not Die Tonight ni Richard V. Somes para sa Strawdogs Studio Productions. Isang action drama, bida ditto sina Erich Gonzales, Alex Medina, Maxine Eigenmann at Paolo Paraiso.

Mapapanuod ang walong opisyal na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino simula ngayong August 15- 21 sa mga sinehan nationwide