• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales nagbigay ng update sa teleserye niyang “Halik”

Jericho Rosales nagbigay ng update sa teleserye niyang “Halik”

Nagpasalamat si Jericho sa bandang Aegis, na inspirasyon ang kanilang musika sa kanyang bagong TV show.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/9/2018 8:30 AM
Jericho Rosales nagbigay ng update sa teleserye niyang “Halik”


 

Isa ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales sa mga special guests sa 20th anniversary concert ng Aegis ngayon July 13 sa Big Dome.

Ayon kay Jericho, isa siya sa mga nakikinig at humahanga sa timeless music ng Aegis gaya ng “Luha,” “Sinta,” “Sayang na Sayang” at “Halik.”

“Masaya, actually kahit naka-upo lang ako listening to them live, hanep (ang feeling)!” bungad ng aktor.  

Thankful din daw siya dahil ipinagkatiwala ng Aegis ang kanilang awitin para sa upcoming TV series na Halik, kung saan makakasama niya sina Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby.

“Yes, I told them nga na maraming salamat kasi pinahiram nila yung song nila sa TV show namin kasi yun din ang title ng show namin. Halik, coming soon,” kwento pa ni Jericho. 

Ayon pa kay Echo ito ang kanyang unang beses na makakasama si Sam sa isang proyekto.

“It’s a great show, parang first time namin magkakasama ni Sam (Milby), it’s a story of dalawang mag-asawa na nagkabuhol-buhol ang buhay nila. Abangan hindi ko muna sabihin lahat but I’m excited about it,” kwento niya.  

Bukod sa kapamilya show looking forward din si Jericho sa kanyang movie na Girl in The Orange Dress na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.