Iza Calzado shares some details on her upcoming wedding

Aminado si Iza na mahirap pala ang pag-aayos ng kanyang kasal.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/9/2018 9:10 AM
Iza Calzado shares some details on her upcoming wedding


Photo credit: @missizacalzado on IG

 

Abala ngayon ang aktres na si Iza Calzado bilang isa sa mga bida ng pelikulang Distance, na kalahok sa 14th Cinemalaya Film Festival.

Sa personal na buhay naman ng aktres, abala naman daw siya sa paghahanda para sa kanyang nalalapit na kasal ngayong taon.

“Pwede niyo sabihin na my wedding is still on as of today kasi suot ko pa ang singsing, may magaganap na wedding sometime this year,” masayang pahayag ni Iza. 

Aminado si Iza na mahirap ang preparasyon sa bawat aspeto ng kasal, kasama na din dito ang pagpapalit ng venue dahil sa hindi inaasahan na dami ng bisita.

“Nakakaloka! It’s so hard! Only because you can’t invite everybody sa first leg because of its the location that does not permit for more guests, so we might probably do a Manila wedding,” paliwanag pa ni Iza. 

Kuwento din ni Iza, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang wedding coordinator. 

“My coordinator, my god! Mamamatay na ako kung wala akong coordinator! Hindi niyo na ako makakausap!” natatawang sambit pa niya. 

Sa telebisyon naman, sisimulan na din ni Iza ang isang proyekto kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

“I cannot commit to more than two projects at one time specially when the soap starts airing, Hindi ko alam kung pwede sabihin ang working title basta yung soap with Julia and Joshua,” maiksing pahayag ni Iza.