• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano on recent health issues: ‘Iba talaga ang plano ni Lord sa akin’

Gary Valenciano on recent health issues: ‘Iba talaga ang plano ni Lord sa akin’

The singer reveals that his faith in the Lord remained steadfast as he experienced health concerns one after the other.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/9/2018 8:32 AM
Gary Valenciano on recent health issues: ‘Iba talaga ang plano ni Lord sa akin’


 

Sa Rated K, kamakailan lang ay nalaman ng publiko ang mga health challenges na pinagdaanan ni Gary Valenciano. Maliban sa kanyang diabetes, nagkaroon ng sakit sa puso ang singer na nauwi sa isang open heart surgery at cancer of the kidney na natanggal na rin sa pamamagitan ng isang operasyon. 

Ani Gary, kasama sa plano ng Diyos ang mga nangyari sa kanya. “Gusto ko talagang i-share sa lahat ito, kasi iba talaga ang plano ni Lord sa akin. At eto kasama na rin sa mga plano niya, na dumaan ako sa ganitong klaseng pagsubok.” 

Dagdag pa ni Gary, “Actually nagpapasalamat ako kasi talagang minsan, kailangan talagang dumaan sa ganyang klaseng mga pagsubok ang tao. Para malaman talaga ng mga tao mismo na buhay ang Lord.”

Hindi na rin makapaghintay si Mr. Pure Energy na magbalik trabaho. “Kada araw ...nagkakaron ako ng excitement na makabalik sa Tawag Ng Tanghalan, makabalik sa Your Face Sounds Familiar, makabalik sa ASAP.”

Magiging parte rin daw ng isang bagong show si Gary. “At kelan lang nabigyan ako ng isang offer ng mag-judge uli ng isang bagong show. At malalaman din ng lahat kung ano ang show na to. At talagang excited ako.”