• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, sumabak sa isang nakakatawang FlipTop-inspired rap battle

Alex Gonzaga, sumabak sa isang nakakatawang FlipTop-inspired rap battle

Siguradong mapapatawa ka ng malakas dito.

BY LANCE PAOLO LIM

FRESH SCOOPS

7/8/2018 4:14 PM
Alex Gonzaga, sumabak sa isang nakakatawang FlipTop-inspired rap battle


 
Nag-trending na naman sa social media ang panibagong video ni Alex Gonzaga kung saan siya ay sumabak sa isang labanan na inspired sa isa sa pinakamalaking rap battle conferences na FlipTop kasama ang iba pang mga SING-vestigators ng I Can See Your Voice. 

 
Sa ginawa nilang FlipTop-inspired battle kung saan nagbatuhan sila ng mga nakakatawang banat, nagsama sina Bayani Agbayani at Wacky Kiray bilang Team Bayawak samantalang tinawag naman na Team Aldrew ang kampihan nina Alex at Andrew E. Si Kean Cipriano naman ang tumayong referee. 

 
Panoorin ang kanilang nakakatawang "Pliptop Rap Battle" dito: 
 

 

Sa loob lamang ng pitong oras ay nakakuha ng mahigit 240,000 views at 3,600 shares ang trending video ni Alex sa kanyang Facebook page.