• Home
  • Fresh Scoops
  • TV host Grace Lee, willing to give-up her Korean citizenship para maging 100% Pinoy

TV host Grace Lee, willing to give-up her Korean citizenship para maging 100% Pinoy

Wala pa din daw love life si Grace Lee sa ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/7/2018 10:32 AM
TV host Grace Lee, willing to give-up her Korean citizenship para maging 100% Pinoy


Photo credit: @graceleemanila on IG

 

Ayon sa kauna-unahang Korean TV host sa Pilipinas na si Grace Lee, handa na ulit siyang buhayin ang kanyang showbiz career bilang TV host. Pansamantalang namahinga si Grace sa hosting dahil tumutok siya sa ilang businesses.

Just recently, pumirma siya ng kontrata sa Viva para balikan ang career sa hosting.

“I think I’m ready to come back,” sey pa ni Grace. “With Viva around, I think I’m in good hands.”

Bukod sa hosting, open na rin si Grace na subukan ang iba pang trabaho sa showbiz.
“I’m starting a new chapter with Viva and so walang holds barred. Meaning, I’m not going to let myself life before as a host lang, as a reporter lang.

“Marami rin akong naisip, matagal din akong nawala sa TV and it makes you think a lot. It makes you reconsider a lot of things, look back on your mistakes, on your strengths, on your experiences.

“And one thing I’ve learned is never limit yourself, always be open to possibilities and if God opens that door for you, you should be ready to walk in,” pahayag pa niya.

Parehong Korean ang parents ni Grace pero mas pinili niyang manirahan sa Pilipinas.

“Pinanganak ako sa Korea pero lumipat ako sa Pilipinas bata pa lang ako. Permanent resident ako actually (sa Pilipinas) and under process na yung nationalization ko.

“So, hopefully, very very soon, Filipino na rin ako. Kasi sa puso Pilipino na ako, eh, sa papeles lang hindi, eh, di ba?”

Willing din daw siyang i-give-up ang pagiging Korean citizen niya kapalit ng pagiging Pilipino.

Ani Grace, “Oo naman. I’m willing to give-up my Korean citizenship.

“Kung kailangan talagang i-give-up, wala namang problema sa akin. So, pinag-aaralan ng mga lawyers ko yon, tingnan natin. Hopefully, soon I’ll be able to get my Filipino citizenship.”

Walang love life si Grace. Ang huling balita noon sa kanya ay ang pagkaka-link niya kay ex-president Noynoy Aquino.

“Guys, six years ago na yon. Move on na tayo,” natatawa niyang komento.

Hindi kaya nai-intimidate sa kanya ang mga lalaki kaya hindi siya nagkaka-boyfriend?

“Wag kayong ma-intimidate. Alam mo, maraming nagsasabi niyan, mukha daw akong intimidating. Eh, hindi na ako newscaster ngayon kaya hindi na sila dapat ma-intimidate. Ligawan n’yo na ako, joke,” biro pa niya.

Ano ba hinahanap niya isang boyfriend material?

“I like a guy who’s passionate about what he does regardless of kung marami siyang pera o wala.

“Ako, nai-in love ako sa isang tao na kapag nakita ko ay talagang passionate siya sa kung anumang ginagawa niya, kung ano man yon, whether he’s a painter, actor, director, businessman, I like that, nakaka-in love yung ganung lalaki, very passionate,” huling pahayag niya sa PUSH.