• Home
  • Fresh Scoops
  • Hanggang saan kaya ni Zeus Collins maging daring sa isang pelikula?

Hanggang saan kaya ni Zeus Collins maging daring sa isang pelikula?

Naka-focus daw ngayon si Zeus Collins sa kanyang career kaya wala munang love life.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/7/2018 10:39 AM
Hanggang saan kaya ni Zeus Collins maging daring sa isang pelikula?


Photo credit: @hashtag_zeuscollins on IG

 

Para kay Hashtags member Zeus Collins, biggest break na maituturing niya sa pelikula ang gumanap bilang love interest ni Cacai Bautista sa Wander Bra ng Blue Rock Entertainment under the direction of Joven Tan.

Kuwento ni Zeus, una siyang lumabas sa pelikulang Wangfam ni Direk Wenn Deramas na nasundan naman sa Love Me Tomorrow na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Dawn Zulueta.

“Pa-support-support lang ako don. Parang ano lang, extra. Hehehe! Pero super nag-i-enjoy naman ako,” nakangiti niyang simula sa interbyu ng PUSH.

Seryoso na ba siya sa pag-arte at kakayanin na rin ba niyang gumawa ng daring scenes sa movie?

“Siguro depende, eh. Baka mamaya yung istorya nung movie parang medyo sobrang sexy, siguro aano ako do’n. Pero kung ganito na comedy, okey lang siguro.

“Kasi ako, mahilig talaga akong manood ng mga comedy. Eh, ako talagang makulit ako kahit na sa likod ng kamera kaya natuwa ako nung i-offer sa akin itong Wander Bra,” lahad ng binata.

Kaya naman daw niyang magpakita ng flesh o gumawa ng sexy bed scene huwag lang daw ang kissing scene sa kapwa lalaki.

“Okey lang po yung parang Sin Island (Coleen Garcia, Nathalie Hart at Xian Lim). Okey lang po yung mga ganun. Mas gusto ko yung mga ganyan,” tila excited niyang pahayag.

Patuloy pa niya, “Magpapakita ng puwet?

“Oo, okey lang yan. Yung sexy na bed scene, naka-underwear sa movie, go ako diyan. Basta paghahandaan ko, talagang maggi-gym ako para at least, pag napanood ng mga tao maganda naman yung katawan ko, di ba?

“Pero siguro yung parang frontal at lalaki sa lalaki (kissing scene), parang hindi ko pa kaya, eh. Nahihiya ako.”

Three years nang walang girlfriend si Zeus at sabi niya, wala muna siyang balak magka-love life dahil meron siyang goal sa buhay.

“Nagpo-focus po kasi ako sa trabaho talaga kasi may goal po ako na magkaroon po ako ng sarili kong bahay, mabigyan yung mga kapatid ko, yung mama’t papa ko.

“Talagang focus ako lalo na kapag nakikita ko sila. Ako, naranasan ko talaga kung papaano maghirap, eh. Hindi puwedeng hindi ako magtatrabaho. Kailangan kong magtrabaho para sa kanila,” huling pahayag niya sa PUSH.

Kasama rin sa pelikulang Wander Bra bilang alter ego ni Cacai Bautista si Myrtle Sarossa, Gina Pareño, Lassy, Wacky Kiray, Brian Gazmen at marami pang iba.