• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina on secret affair controversy: ‘Wala akong dapat i-explain’

Ara Mina on secret affair controversy: ‘Wala akong dapat i-explain’

Ara Mina, single ngayon at wala daw inagawan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/7/2018 9:32 AM
Ara Mina on secret affair controversy: ‘Wala akong dapat i-explain’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Ara Mina na single siya ngayon. “Yes, I am single because gusto ko yung magiging relationship ko after Patrick (Meneses) is yun na yung magiging partner in life ko.”

Maayos din ang samahan nila ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Patrick. “We’re like best friends. In fact, bago po ako pumunta dito, we had early dinner.” Dagdag pa ni Ara, “co-parenting kami kay Mandy.”

“Mga three months” lang din daw sila hindi naging okay ni Patrick dahil, “tinanggal ko na yung hatred ko. Hindi ko akalain na matatanggap ko na ganito yung situation namin kasi minahal ko siya sobra.”

Hindi rin nagkomento si Ara sa controversy na kinasasangkutan niya ngayon kung saan pinaparatangan siyang may secret affair with a government employee. “I don’t owe (the) public an explanation. Kung yun ang side ng isang tao, just be it. Ang choice ko ay manahimik kasi wala akong dapat i-explain.”

Nang tanungin kung may inagawa siya, ang sagot ni Ara ay, “wala. Hindi.”