• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu, nag-back out sa MMFF film entry na Girl In The Orange Dress?

Kim Chiu, nag-back out sa MMFF film entry na Girl In The Orange Dress?

Ayon sa balita hindi na daw tuloy ang pagsama ni Kim Chiu sa cast ng Quantum Films entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/6/2018 11:32 AM
Kim Chiu, nag-back out sa MMFF film entry na Girl In The Orange Dress?


Photo credit: @chinitaprincess on IG

 

Ipinakilala na kamakailan ang unang apat na pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

READ: Anne Curtis, Kim Chiu, Coco Martin at Vice Ganda magbabanggan sa MMFF

Isa dito ang Girl in The Orange Dress ng Quantum Films na kinabibilangan ng mga bituin na sina
Jericho Rosales, Jessy Mendiola, Sam Milby, Tom Rodriguez, Kit Thompson at Kim Chiu.

Pero ayon sa inilabas na balita ng veteran entertainment columnist na si Ethel Ramos, nag-back out umano si Kim sa pelikula sa hindi pa malinaw na dahilan.

Ganun pa man, tuloy na tuloy naman ang inaasahan na banggan sa takilya nila Vice Ganda, Anne Curtis at pagsasanib pwersa ni Coco Martin at Vic Sotto sa inaabangan na Metro Manila Film Festival sa Disyembre.