Herbert Bautista may mensahe kay Kris Aquino

Sinagot din ng Quezon City Mayor ang real score sa kanila ni Kris Aquino.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/6/2018 2:02 PM
Herbert Bautista may mensahe kay Kris Aquino


Photo credit: @krisaquino on IG (R)

 

Diretso na sinagot ng actor-politician na si Quezon City mayor Herbert Bautista ang mga naging katanungan sa kanya ng entertainment press sa naganap na launching ng kanyang biography book na Life In Full Color (The Herbert Bautista Biography).

Dito nilinaw na ni Mayor Herbert ang real score sa pagitan nila ni Kris Aquino na isang malaking katanungan ngayon.

“It’s a special bond e, alam mo yun na hindi kayo mag-girlfriend, boyfriend. Hindi din kayo barkada lang, special e. Kaya nga ang sinabi ko mutual respect at mataas na uri ng pagkakaibigan,” tugon ni Herbert.  

Hindi man daw sila romantically involved ngayon, malaki pa din daw ang pasasalamat ni Herbert kay Kris.

“Yeah sabi ko nga, ‘maraming, maraming salamat sa kanya.’ Dahil yung panahon na ibinigay namin sa isa’t isa e marami kaming natutunan and naging moral booster siya sa akin, moral booster ako sa kanya and anchored yun sa isang mutual respect,” sabi pa ni Herbert.  

Aminado din ang politician na hindi sila nabibigyan ng pagkakakataon na mag-usap ngayon dahil sa busy schedules.

“Siguro, it’s been a month or a month na hindi kami nagko-communicate,” paliwanag niya.  

Ganun pa man, Hindi naman daw mawawala ang kanyang espesyal na pagtingin sa kanilang pagkakaibigan.

“Barkada, siyempre hindi mawawala yun, barkadz kami noon and okay kami no, kaya  maraming maraming salamat sa’yo Kris dahil iba, ibang klase kang tao,” pahayag pa nito.