• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Robin Padilla, ipinaliwanag kung bakit minsan ay di nakakapag-abot ng pera kay Mariel Rodriguez

EXCLUSIVE: Robin Padilla, ipinaliwanag kung bakit minsan ay di nakakapag-abot ng pera kay Mariel Rodriguez

Wala din daw balak pumasok ng pulitika si Robin Padilla.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/6/2018 9:11 AM
EXCLUSIVE: Robin Padilla, ipinaliwanag kung bakit minsan ay di nakakapag-abot ng pera kay Mariel Rodriguez


Photo credit: @marieltpadilla (L) on IG

 

Sa huling interbyu ng PUSH kay Robin Padilla ay inamin nitong hindi na niya masyadong priority ngayon ang showbiz.

Ani Robin, “Hindi ko na priority talaga. Sa totoo lang, kasi ang showbiz kasi hindi siya… Isang sangay siya ng industriya na hindi siya fair. Kahit saan mo tingnan hindi siya fair.

“Yung oras ng trabaho, labor, hindi talaga. Isang bagay siyang conflict sa isang taong may gustong pagbabagong mangyari. Mahirap talaga ang showbiz. Kailangan din siyang baguhin somewhere.”

Gumawa naman daw siya ng paraan na kahit papaano ay makatulong para mabago ang sistema sa showbiz.

“Yon yung unti-unti kong sino-solve, na baka sakali na pag naayos yung sistema na yon ay ganahan pa akong magtrabaho sa showbiz,” sambit pa niya.

Patuloy pa ni Robin, “Kasi ang nangyayari nauubos ako, eh. Yung suweldo ko nauubos, kasi yung nakikita kong injustice binibigay ko na lang sa tao which ako ang nasasakripisyo.

“Meron akong sariling DSWD. Ang mangyayari, tatanungin ako ng asawa ko, asan yung suweldo, eh, ano, eh… ganun, eh.

“Wala tayong magagawa, may humihingi ng tulong. Alangan namang isipin mo pa yung take home pay mo. Kalokohan yon,” diin pa niya.

Eh, puwede naman siyang tumakbong senador o kahit na anong posisyon sa gobyerno para mas makatulong sa tao.

“Hindi ako tatakbo. Ang liit ng suweldo ng senador. Ako’y nagpapaaral ng mga anak ko sa ibang bansa. Ang daming umaasa sa akin. Meron po akong mga foundation na sinusuportahan.

“Masarap pakinggan—senador, gobernor, mayor o congressman—pero hindi ako kikita diyan. Yan ay isang bagay na gagawin akong pulubi. Saka maliit ang suweldo diyan.

“Hanggang vice president nga na-offeran ako, eh, kahit saan ko tingnan hindi ako kikita, eh. Masyadong maliit ang suweldo diyan.

“Ang sarap ng buhay ko. Wala akong boss. Nagagawa ko yung gusto ko,” huling pahayag niya sa PUSH.