• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy Marquez, may ibinunyag tungkol sa love life ni Zanjoe Marudo

Empoy Marquez, may ibinunyag tungkol sa love life ni Zanjoe Marudo

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/6/2018 9:25 AM
Empoy Marquez, may ibinunyag tungkol sa love life ni Zanjoe Marudo


 

Thirty-seven-years-old na si Empoy Marquez ngayong taon at walang siyang hinihiling kundi ang maayos na career at kalusugan.

“Good health and masaganang career. (Love life?) Saka na muna yun!” sabi ni Empoy.

Todo bonding at naging magkaibigan sila ni Zanjoe Marudo sa set ng Kusina Kings, kaya't naikuwento ni Empoy na magkaibang magkaiba ang estado ng kanilang love life ngayon.

“Ako, single ako. Hindi ko alam sa kanya! (Laughs)” masayang kuwento ni Empoy.

First time naman na umamin si Zanjoe na dating na sila ngayon ng isang showbiz blogger at surfer na aniya ay masyado pang maaga para magbigay detalye sa kanilang relasyon.

“Reaction ko, kinikilig ako! Getting to know kasi bago pa lang kami magkakilala,” pag-amin ni Zanjoe.

Makakasama din nina Empoy at Zanjoe sa pelikula si 2016 Miss Universe Philippines Maxine Medina na suot ang opening number dress niya na ginamit noong 65th Miss Universe Pageant.

Challenge naman daw para kay Zanjoe ang makasama si Empoy na nakasama na niya noon sa ibang proyekto. Ngayon daw mas espesyal ang kanilang pagsasama dahil sila ang mga bida.

“Kasi kami nagkatrabaho na kami before pero hindi naman talaga kami ang tandem sa movie. Lagi lang kami magkasama pero di kami yung partner. Eto this time, eto na yung matagal na namin hinihintay na project,” pahayag pa ni Zanjoe.

Wala pang playdate ang Kusina Kings, pero tiniyak ni Empoy at Zanjoe na masisiyahan ang mga manunuod sa kanilang pelikula.