• Home
  • Fresh Scoops
  • Alora Sasam on falling in love with Neil Coleta: ‘Pinigilan ko, Tito Boy’

Alora Sasam on falling in love with Neil Coleta: ‘Pinigilan ko, Tito Boy’

Alora Sasam, pinigilan daw ma-in love kay Neil Coleta.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/6/2018 9:50 AM
Alora Sasam on falling in love with Neil Coleta: ‘Pinigilan ko, Tito Boy’


Photo credit: @imcoletaneil (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, binuking ni comedienne Alora Sasam ang mga artista na naka-trabaho at ka-close na niya. Sinabi niya na binigyan siya ng advice ni Julia Montes nang magkaproblema siya noon.

“In love” naman daw si Maris Racal ayon kay Alora, at “glowing at napaka-generous” naman daw ni Erich Gonzales.

Kay Sue Ramirez naman, ang masasabi ni Alora ay, “Napakabait. Siya yung after ASAP Chill Out magkasama kami kakain kami sa labas. In love din ata yun.”

Kay Julia Barretto, ang masasabi ni Alora ay, “sobrang mapagmahal talaga sa family. Yun din yung nakuha ko sa kanya... Gusto niya palagi kasama family.” 

Fan girl naman si Alora ni Judy Ann Santos na pinuntahan daw niya nung hindi pa siya artista sa iba’t ibang lugar para lang magpa-picture. Dagdag pa niya tungkol sa idol niya, “isa siya sa mga rason kung bakit gusto ko maging artista. 

Natawa naman si Alora nang tanungin kung na-in love kay Neil Coleta na first ever onscreen kiss niya sa Maalaala Mo Kaya. Anya, “pinigilan ko Tito Boy. Mahal mag-move on so pinigilan ko.” Hindi din daw sila nakapag-usap dahil sa “taken siya, Tito Boy. Hanggang ngayon ata.”