• Home
  • Fresh Scoops
  • Alora Sasam, kinuwento ang hirap ng buhay niya bago maging artista

Alora Sasam, kinuwento ang hirap ng buhay niya bago maging artista

Alora Sasam: ‘Dumating ako sa point na kahit pang-kape wala ako.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/6/2018 9:54 AM
Alora Sasam, kinuwento ang hirap ng buhay niya bago maging artista


 

Sa Tonight with Boy Abunda ikinuwento ni comedienne Alora Sasam na sinikreto diumano niya ang pangarap niya maging artista dahil sa, “hindi naman po uso ang ating ganda. Oo, kaya tago-tago muna ng pangarap.”

Kaya naman nang pumunta daw ang Star Magic Workshop sa Davao ay agad siyang nag-leave ng one week kahit hindi alam ng kanyang pamilya. Registered Nurse na rin nun si Alora. At mas gusto daw ng pamilya niya nun na ipagpatuloy niya ang karera bilang nurse.

May panahon din na gusto nang sumuko ni Alora sa pangarap niya. “Kasi two years din ako nag-antay talaga ng regular project before dumating yung Luv U. Lalo na pag gutom ka. Tito Boy, gusto mo na talagang umuwi sa pamilya mo. Yung parang dumating ako sa point na kahit pang-kape wala ako.” 

Nang tanungin naman kung paano siya naka-survive ng mga panahong iyon, ang kwento ni Alora ay, “Star Magic Workshop. Sila po talaga ang umampon sa akin.  May summer workshop sila. Ako yung nakikipag-acting sa mga workshoppers. So kahit sinasampal lang ako... after nun may pagkain na ako. May pagkain na ako whole day.”

Naiyak rin si Alora dahil ngayon e taas noo na siyang pinagmamalaki ng kanyang pamilya. “Masarap pakinggan na proud sila sa gusto mo talagang gawin.”