• Home
  • Fresh Scoops
  • RS Francisco, muling gagawa ng frontal nudity sa ‘M Butterfly’

RS Francisco, muling gagawa ng frontal nudity sa ‘M Butterfly’

Ang ‘M Butterfly’ din ang nagpakilala kay RS Francisco bilang isang aktor sa Dulaang UP noong ‘90s.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/5/2018 11:02 AM
RS Francisco, muling gagawa ng frontal nudity sa ‘M Butterfly’


Photo credit: @rsfrancisco888 on IG

 

Balik sa theater ngayon ang aktor na si RS Francisco para sa Manila staging ng Tony Award winning play na M Butterfly [Madam Butterfly].

 

Kuwento ni RS, espesyal sa kanya na balikan ang M Butterfly dahil ito ang nagpakilala sa kanya bilang aktor nang una niya itong ginampanan noong 1990 sa Dulaang UP bilang si Song Liling.

“I think mas magagampanan ko ng tama ang role na dati nang ginawa ko ang M Butterfly. Okay po ang mga reviews, okay po ang mga sinabi. Tapos sabi ko, ‘Talaga? I think I’m too young for the role’ so sabi ko now 2018 is the proper time to do it again because its the 30th birthday of M Butterfly,” bungad ni RS.

Ilan sa mga tatak na eksena sa M Butterfly ay ang frontal nudity na ayon kay RS ay isa din daw sa kanyang pinaghahandaan.

 

“I’m preparing for that. We’re trying to stick as faithfully to the original script,” nakangiting pahayag ni RS.

At dahil maituturing nang classic story ang M Butterfly, misyon ni RS bilang producer din na ilapit sa bagong henerasyon ang napapanahon na mensahe ng play.

“I’m happy to showcase to the millennials what these revelations are. Kasi as a producer, this is my way of giving back to M Butterfly: ang ilapit ang message sa young audiences natin ngayon.” 

Magsisimula mapanuod ang M Butterfly sa Maybank Theatre sa darating na September 13 to 30, 2018.