• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Lauren Dyogi sinabing masaya siya sa naging kapalaran ni Maine Mendoza

Direk Lauren Dyogi sinabing masaya siya sa naging kapalaran ni Maine Mendoza

Inamin ni Direk Lauren Dyogi na nanghinayang siya at hindi niya kinuha si Maine Mendoza sa PBB.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/5/2018 8:05 PM
Direk Lauren Dyogi sinabing masaya siya sa naging kapalaran ni Maine Mendoza


Photo credit to: @mainedcm IG (L)

 

Sa vlog ni Direk Lauren Dyogi, sinagot nito ang mga comments na nagsasabing scripted ang Pinoy Big Brother at ikinwento kung paano nga ba nag-audition ang mga sikat nang artista, at nabanggit muli nito ang pag-overlook niya kay Maine Mendoza.  

Bago pa man maging sikat na artista, nag-audition muna si Maine sa Pinoy Big Brother 737 ang edition kung saan tinanghal na big winners sina Miho Nishida at Jimboy Martin. Marami naman ang nagtaka at nanghinayang na hindi siya nakapasok. Sa kabila nito, sinabi naman ni Direk Lauren sa kanyang vlog na marahil ay hindi ang PBB ang daan upang sumikat si Maine.

"Nang hinayang ako kay Maine pero without Alden (Richards), we don't know if Maine will work sa PBB lang. Eh nag-work yung Maine and Alden sa Eat Bulaga,” aniya.

"Yun ang kapalaran niya. Hindi yun kawalan sa amin. Hindi talaga kami ang tamang paraan para sa kasikatan niya. I'm very, very happy for Maine,” dagdag pa niya.

Kwento pa ng direktor, na-scout lamang din ang dalaga ng isa pa niyang kasamahan sa PBB na si Marcus, dahil sumisikat na rin noon online si Maine.

"Actually, hindi naman pumila si Maine. Si Maine na-scout 'yan ni Marcus [PBB staff] kasi sikat na siya sa Dubsmash sa Internet noon. E, hindi pa ako into digital at that time. Hindi pa ako naka-latch on sa strength ng digital noon.

"Mas feeling ko, dun pa sa pumipila sa cattle call ang panggagalingan ng housemates. Marcus felt Maine would be interesting to be a housemate. So maling call ko yun. Hindi yun pila. Pinapunta siya sa PBB court. In a way, parang special screening na si Maine noon," dagdag pa niya. 

Panoorin ang kanyang paliwanag tungkol sa PBB auditions dito: