• Home
  • Fresh Scoops
  • Comedian Lassy, inaming naghiwalay sila ng boyfriend dahil sa ‘Tonight With Boy Abunda’

Comedian Lassy, inaming naghiwalay sila ng boyfriend dahil sa ‘Tonight With Boy Abunda’

Comedian Lassy, ibinahagi kung bakit humantong sa paghihiwalay sa boyfriend ang kanyang guest appearance.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/5/2018 9:51 AM
Comedian Lassy, inaming naghiwalay sila ng boyfriend dahil sa ‘Tonight With Boy Abunda’


 

Nag-end na ang two-year relationship ng komedyanteng si Lassy at ng boyfriend niyang si John pagkatapos mag-guest ang una sa programang Tonight With Boy Abunda kamakailan lang.

Ayon sa kuwento ni Lassy na gumaganap bilang best friend ni Kakai Bautista at Myrtle Sarrosa sa pelikulang Wander Bra ng Blue Rock Entertainment, pumayag naman ang BF niya na ilabas ang picture nito sa TWBA kaya hindi niya na-sense na magkakaroon ng problema.

“Oo, pumayag siya. Pero nahiya lang siya nung personal siyang nakita ng mga tao sa isang event ko na bitbit niya yung mga gamit ko. Pero pinakilala ko naman siya as dyowa ko at asawa. Kesa isipin ng mga tao na P.A. o personal assistant ko siya,” kuwento ni Lassy sa PUSH.

Wala naman daw saulian ng mga gamit na nangyari pagkatapos nilang maghiwalay.

“Ay, hindi na. Ako naman kasi yung tipong hindi ganun. Actually, bago kami maghiwalay, nag-iwan pa ako ng isang memory sa kanya. ‘Alagaan mo yang pusa.’ Kasi mahilig siya sa pusa.”

May chance pa ba na magkabalikan sila?

“Nagkaroon na kasi ng lamat, eh. So, friends na lang siguro. Pero wala pa naman akong nakikitang bago. Kasi ang hirap, eh. Naka-move-on na ako,” sagot niya.

Eh, paano ba siyang maging dyowa? Galante ba siya?

“Ako mas galante sa pamilya ng mga nagiging boyfriend ko. Mas gusto kong pinakikisamahan yung pamilya kesa sa dyowa ko.

“Actually, hindi ako galante sa material na bagay. Ang binibigay ko ay ang buhay ko. Like yung nag-aagaw-buhay siya sa ospital, ako na ang nag-alaga, ako na lahat ang gumastos.

“At least, yon ang matatandaan niya sa akin, hindi yung material na binigay ko. Yung ganung trato na binigay ko, yung pagmamahal,” dire-diretso niyang paliwanag.

Ano bang advice ang ibinigay sa kanya ni Vice Ganda nung naging heart broken siya?

“Alam mo naman yon, ‘Manalamin ka kasi… Hindi ka na nadala.’ Yung mga ganun,” natatawa niyang reaksyon.

“Pero siyempre bilang kaibigan, alam naman ni Vice na nalulungkot ako. Kaya minsan si Vice, ‘Oh, punta ka dito, ano tayo.’ Usap-usap. Makapaglabas lang ako ng sama ng loob.”

Ano naman ang natutunan niya sa huling pakikipagrelasyon?

“Siguro, tatanungin ko muna. ‘Ano ba, puwede ba kitang ipakilala na ganito sa mga tao?’ Kasi parang ako pa yung ikinahiya? Di ba ang sakit?

“Parang, ‘Ano ‘to, dahil lang do’n?’ Isa sa mga dahilan lang yon, eh. Tapos break na agad?” himutok ni Lassy.

Umaasa naman si Lassy na magiging maayos ang buhay ng kanyang ex-BF kahit wala na sila.

“Ako kasi sa isang relasyon, mas nanaisin ko yung bago kami maghiwalay yung maayos din siya. Ayoko na nalalaman na parang nasira yung buhay niya or yung naging pariwara siya.

“Kasi ang pangit naman na nanggaling sa akin tapos naging pariwara na. Na walang nangyari sa buhay niya,” huling pahayag niya sa PUSH.

Samantala, kasama rin sa Wander Bra sina Zeus Collins, Gina Pareño at marami pang iba. Ang pelikula ay sinulat at idinirek ni Joven Tan.