• Home
  • Fresh Scoops
  • Aegis sisters, sinabi kung paano nalalampasan ang mga tampuhan

Aegis sisters, sinabi kung paano nalalampasan ang mga tampuhan

Aegis sisters, inamin na nagkakatampuhan din

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/5/2018 10:08 AM
Aegis sisters, sinabi kung paano nalalampasan ang mga tampuhan


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ng Aegis sisters na sina Kris, Juliet, at Mercy Sunot na nagkakatampuhan din sila bilang mgakakapatid. Nang tanungin kung karera ang nagiging issue o personal, sinabi nila na personal ang rason ng kanilang pagtatampuhan.

Paano naman kaya nila nasisiguro na hindi nila nadadala ang tampuhan on stage? Ayon sa magkakapatid, “basta pagdating po sa stage, wala na pong pakialaman, (kakantahin) kung ano pong naka-line up. Parang wala pong nangyari. After pag nakauwi na kami, hindi na kami nagkikibuan.”

Pero hindi naman daw nila pinatatagal ang tampuhan. Ayon kay Kris, “pero hindi po nagtatagal, naghihingi na kami diretsa ng sorry para matapos na yung ano.”

Automatic din daw ang kampihan sa kanilang magkakapatid, lalo na’t “resbaker” daw ang kapatid nilang si Juliet.