• Home
  • Fresh Scoops
  • Vina Morales at Pops Fernandez mas matalino na sa buhay pag-ibig

Vina Morales at Pops Fernandez mas matalino na sa buhay pag-ibig

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/4/2018 9:00 AM
Vina Morales at Pops Fernandez mas matalino na sa buhay pag-ibig


 

Bagong business partners ngayon ang celebrity singers na sina Vina Morales at Pops Fernandez sa isang beauty clinic.

Sa naganap na opening, sinagot ni Vina kung kailan ba siya magkakaroon muli ng inspirasyon sa kabila ng kanyang mga negosyo at showbiz career.

“I think when we get a little bit older, medyo maingat ka na sa pagpili. Of course you want to find that lifetime partner kung sino talaga ang para sa iyo. Gusto mo you end up with that person na,” sabi ni Vina.

Dagdag pa ni Vina, malaking bagay ang positive outlook sa buhay para maka-attract ng positibong mga bagay.

“Kapag maganda ka, you feel good tapos nag-imbibe ka ng good aura, we’ll see kung mayroong darating.”

Tulad ni Vina, kuntento na din ngayon ang Concert Queen na si Pops sa trabaho offcam. Pero aminado si Pops na hinahanap hanap pa rin niya ang pag perform lalo na sa concert.

“I’m so grateful and I still miss performing. Parang now with my other businesses and my production, I want to focus on that first.”

Kuwento pa ni Pops, happy na din daw siya sa magandang takbo ng love life ng kanyang panganay na si Robin Nievera at girlfriend nito na si Zia Quizon na anak naman ni Zsa Zsa Padilla at Dolphy.

“Lalo na si Robin I think he’s of that age, but no pressure. Of course, I want them to take the plunge whenever they’re ready lalo na ngayon hindi na uso ang nagpapakasal ng maaga ‘di ba?” sabi pa ni Pipay.

Wish naman ni Pops at Vina na dumami pa ang kanilang business partnerships dahil sa malalim nilang pagkakaibigan.