• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiefer Ravena: ‘Hindi masyadong naiintindihan ng tao kung bakit ako na-suspend’

Kiefer Ravena: ‘Hindi masyadong naiintindihan ng tao kung bakit ako na-suspend’

Kiefer Ravena, giniit na ‘di siya gumagamit ng illegal drugs.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/4/2018 9:20 AM
Kiefer Ravena: ‘Hindi masyadong naiintindihan ng tao kung bakit ako na-suspend’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagsalita na si Kiefer Ravena tungkol sa pag-ban sa kanya ng International Basketball Federation o FIBA sa paglalaro ng basketball ng 18 months. Inamin ni Kiefer na mahirap ito sa kanya dahil, “buong buhay ko nang ginagawa tapos bigla siyang mawawala. Ngayon ang iniisip ko paano ko magpapakondisyon anytime... para makapaglaro uli ako.”

Ganunpaman, ayon kay Kiefer, “Mas mahirap sa akin yung hindi masyadong naiintindihan ng tao kung bakit ako na-suspend.” Ang totoong rason daw ng pagka-suspinde niya ay, “I took a pre-workout drink na hindi ko alam na meron pala itong mga bad substances ayon sa World Anti-Doping Agency.” 

Nang tanungin kung paano niya natutunan ang pag-inom ng nasabing inumin, ayon kay Kiefer ay, “I learned about pre-workout drinks in the States... where most of my teammates, (who are) athletes there take, and seeing their performance I wanted to try it out and then here may available siya over the counter.”

Giniit din niya na hindi niya talaga alam na may illegal substances ang pre-workout drink na yun. “Hindi ko alam, Tito Boy.” Masakit din daw na mahusgahan na gumagamit siya ng illegal drugs. “Masakit sa akin. Hindi ko na lang po sinasagot kasi alam ko hahaba at hahaba ang opinyon nila.”

May natutunan rin si Kiefer sa pinagdadaanan niya ngayon. “Appreciate mo kung ano meron ka... kasi hindi mo ma-appreciate hanggang nawala, tulad ng basketball sa akin.” Isa pang pulot ni Kiefer sa pinagdadaanan ay, “keep your circle close. Keep positive people around you.”