• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathniel, may “passionate kiss” sa kanilang bagong pelikula?

Kathniel, may “passionate kiss” sa kanilang bagong pelikula?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/4/2018 8:49 PM
Kathniel, may “passionate kiss” sa kanilang bagong pelikula?


 

Kinilig ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang mag-post ang writer ng kanilang pelikula na si Carmi Raymundo ng isang pasilip sa kanilang script.

 

Ayon sa script, tumutugtog ang banda ni Primo (Daniel) at habang “all out” sa pag-perform ito, si George (Kathryn) lamang pala ang kanyang audience.

 

“She kisses Primo with the same intensity as his passion for his dreams.”

 

 

 

Hindi pa naman sigurado kung makakapasok ito sa final editing ng kanilang pelikula na “The How’s of Us” ngunit kung sakali, ito na ang pangatlong beses na may onscreen kissing scene ang dalawa; una sa “Barcelona: A Love Untold" (2016) at "Can't Help Falling In Love” noong nakaraang taon.