Liza Soberano, aminadong dumaan sa awkward stage

Ano ang mga naging insecurities ni Liza Soberano?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/31/2018 10:39 AM
Liza Soberano, aminadong dumaan sa awkward stage


 

All smiles ang Kapamilya star na si Liza Soberano nang nakapanayam siya ng entertainment press sa Nivea event kung saan siya ay ipinakilalang bagong brand ambassador.

Suot ang blue dress, stand out ang ganda si Liza sa kanyang grand entrance.

 

Pero ayon sa magandang aktres, dumaan din siya sa awkward stage na hindi siya kumportable sa kanyang itsura.

“Siguro lahat tayo dumadaan sa awkward stages, when we start breaking out for the first time siguro. May mga baby fats din ako noon so feeling ko hindi naman sa hindi ako maganda pero I’m not comfortable at that time,” sabi ni Liza.

At kung may lalabas man ang kanyang mga throwback pictures noong mga panahong nasa awkward stage siya, tanggap niya na naging bahagi ito kung sino siya ngayon.

“Siyempre natatawa po ako sa mga days na ang baduy pa ang mga poses ko and everything, but it’s nice to look back at them and remember ah ganito pala ako dati,” sabi pa ng aktres.

Payo naman ni Liza sa mga umiidolo sa kanya na makuntento sa sarili.

“Eventually you will love yourself, love your flaws and matatanggap mo you’re not perfect and everybody loves you no matter what,” pahayag pa ni Liza.

Sa ngayon, busy si Liza sa tumitinding mga eksena sa Bagani at sa shooting ng Darna movie kasabay ng kanyang pag aaral.