• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales on being the Asian Drama King: ‘I just feel uncomfortable’

Jericho Rosales on being the Asian Drama King: ‘I just feel uncomfortable’

Nagpapasalamat sa ABS-CBN si Jericho Rosales dahil nakikilala siya sa ibang bansa.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/31/2018 9:22 AM
Jericho Rosales on being the Asian Drama King: ‘I just feel uncomfortable’


 

Umaasa si Jericho Rosales na magugustuhan ng mga tao ang teleseryeng Halik na pinakabagong handog ng RSB unit ng ABS-CBN. Kasama ni Jericho sa Halik sina Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion.

“Sana talaga magutsuhan nila. We’re hoping for the longer ano (season). But we’ll see kung saan tayo pupunta, di ba? Maganda yung character ko kasi hindi ko alam kung saan siya dadalhin ng buong team, eh,” sambit ng aktor.

Pero nilinaw ni Echo na hindi siya magpapaseksi sa teleserye at hindi rin daw sex ang ibinibenta ng programa.

“For me, nasa konteksto lang siya. We’re not selling sex here. At least, that’s how I see it, that’s for me, di ba?

“Of course, some of the scene are sexy ganyan-ganyan, but yon yung ano no’n, eh, yung nature. Pero hindi ako magpapaseksi para lang panoorin ako,” paliwanag ni Echo.

Si Jericho ang tinaguriang Asian Drama King ng bansa dahil sikat na sikat sa abroad ang mga teleseryeng ginawa niya.

Ano ang reaksyon niya kapag tinatawag siyang Asian Drama King?

“Naiinis ako!” mabilis niyang sagot sa amin.

Pero bigla rin naman niya itong binawi. “I’ll take it back, hindi ako naiinis, I just feel uncomfortable.”

“Alam mo yan, Tito Leo, I don’t like titles. Kasi bigla na lang balang araw may papalit sa ‘yo. And I don’t like that.

“I’m not saying don’t call me that, kung gusto nila akong tawagin ng ganun. But I will never say, ‘Hey, I’m Asian Drama King.’ Hindi ko kaya, eh. Hindi ko talaga kaya,” rason pa niya.

Tinatanaw namang malaking utang ni Jericho sa ABS-CBN ang kanyang international fame as teleserye actor.

Aniya, “I thank ABS-CBN for the opportunity kasi don sa projects na lumalabas, di ba? I feel na meron akong great responsibility na kailangan may global appeal yung gagawin namin. So, I just focus more on that—yung palawak na palawak na market more than the title.”

“I get to work on projects na… siyempre iba yung feeling na nago-global yung project. I have the opportunity to work with non-Filipino actors, non-Filipino production.

 “Parang palapit ako nang palapit sa mga pangarap ko na mas malaki yung audience. Di ba dati yon ang pangarap ko, gusto kong mag-abroad, ganyan. Ngayong panahon na ‘to hindi mo na kailangang umalis, dito na lang,” pagtatapos ng aktor sa PUSH.