• Home
  • Fresh Scoops
  • JC De Vera on his first thought as a father: ‘Pu-protektahan ko ‘tong batang ‘to, kahit anong mangyari’

JC De Vera on his first thought as a father: ‘Pu-protektahan ko ‘tong batang ‘to, kahit anong mangyari’

JC De Vera, masayang nagkuwento tungkol sa kanyang baby at partner.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/31/2018 10:44 AM
JC De Vera on his first thought as a father: ‘Pu-protektahan ko ‘tong batang ‘to, kahit anong mangyari’


Photo credit: @akosijcdeberat on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, proud na ikinuwento ni JC De Vera ang moment na naging isang ganap na ama siya kay baby Lana. “Nung nandun ako sa operating room, as in nasalo ko yung daughter ko. As in, ako yung humila dun sa head niya. So from that moment, sabi ko sa sarili ko, puprotektahan ko ‘tong batang ‘to, kahit anong mangyari. As in nakarga ko siya ng walang praktis-praktis.”

Pagmamalaki pa ni JC, marunong na din siya ngayon “mag-change ng diapers at mag-swaddle.”

Ngayon lang din daw niya ipinaalam sa publiko ang tungkol sa anak niya at partner niyang si Rica. “Kaya ngayon ko lang din siya nilabas, para ma-savor ko yung bawat moment na kasama ko sila.” 

Nang tanungin kung bakit nagdesisyon na siya ngayong lumabas tungkol sa pamilya niya, ang sagot ni JC ay, “kasi ayaw ko silang itago, hindi nila deserve na itago sila. They deserve all the happiness in life.”

Proud din si JC sa partner niya. “I’m really proud of Rica kasi nga sobrang ganda ng values niya. Hindi lang siya, even her family.”

May plano na rin daw sila magpakasal. “Ang goal namin by the time na nagwo-walk na si Lana, ang gusto ko sana sumama siya sa Mom niya na maglakad sa aisle. Pinag-iipunan ko yun ngayon.”