• Home
  • Fresh Scoops
  • It’s official! 2018 Miss Universe pageant, gaganapin sa Thailand

It’s official! 2018 Miss Universe pageant, gaganapin sa Thailand

Maraming Pinoy beauty pageant fans ang inaasahan na pupunta ng Thailand para sumuporta kay Catriona Gray.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/31/2018 7:37 PM
It’s official! 2018 Miss Universe pageant, gaganapin sa Thailand


 

Kumpirmado na ngayon na sa Bangkok, Thailand gaganapin ang inaabangan na 2018 Miss Universe coronation night.

Ito ay ayon sa naganap na press conference ng Miss Universe Thailand at Miss Universe Organization kasama ang reigning title holder na si Demi Leigh Nel-Peters.

Sa Facebook page ng pageant website na Missosology, ibinahagi ang detalye ng coronation night na magaganap sa darating na Disyembre 16, 2018 sa Impact Arena sa Bangkok.

It’s official! Miss Universe 2018 will be held in Thailand this coming December! The coronation night will be streamed live at Impact Arena in Bangkok on December 16, 2018. Thailand has been hosting the pageant every 13 years. They previously hosted in 1992 and 2005,” ayon sa kanilang online post. 

Labis naman ang pananabik ng mga Pinoy pageant fans para kay 2018 Miss Universe-Philippines Catriona Gray na kakatawan sa bansa sa prestihiyosong kompetisyon.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Catriona ang kanyang pananabik para sa nalalapit na laban. 

Inaasahan naman ang paglipad ng maraming Pinoy fans sa Thailand para ipakita ang mainit na suporta para sa kanya.

2005 nang huling ginanap sa Thailand ang prestihiyosong Miss Universe coronation night kung saan kinoronahan si Natalie Glebova ng Canada.