• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, sasabak sa action sa pelikula kasama sina Coco Martin at Vic Sotto

Maine Mendoza, sasabak sa action sa pelikula kasama sina Coco Martin at Vic Sotto

Nagkaroon na daw ng target shooting lessons si Maine bilang paghahanda sa kanyang mga eksena.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/30/2018 8:06 AM
Maine Mendoza, sasabak sa action sa pelikula kasama sina Coco Martin at Vic Sotto


 

Aminado ang social media star at TV personality na si Maine Mendoza na puspusan na ang kanyang paghahanada para sa 2018 Metro Manila Film Festival movie na Jak Em Popoy, The Pulis Credibles.

Si Maine ang personal choice ni Bossing Vic Sotto para makasama sa inaabangan na sanib pwersa nila ni Coco Martin sa MMFF.

Kuwento ni Maine, sumabak na siya sa training kabilang na ang target shooting lessons bilang paghahanda sa bakbakan na mga eksena.

“Yes kaka-start ko lang po ng firing lessons, okay naman po gusto ko din po kasi ma-try,” bungad ni Maine sa naganap na story conference ng pelikula nitong Sabado.

“Ako kasi first time ko gumawa ng action movie or action project, so nag-start na ako ng firing lessons and nag-wo-work out na din ako sa panaginip (laugh)! Hindi pa naman kailangan, pero magsisimula na ako,” sabi pa niya.

Inihahanda  na din umano ni Maine ang kanyang katawan para sa maaksyon na stunts kung kinakailangan.

“Titignan kung kakayanin ng katawan, ng powers ‘di ba, pero sabi nga ni Bossing ‘you have to be fit,’” pahayag pa ng aktres. 

Ayon naman kay Coco, si Maine ay isa sa mga espesyal na karakter na dapat abangan sa pelikula.