• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Gutierrez on Rayver Cruz: ‘Boyfriend material talaga siya’

Janine Gutierrez on Rayver Cruz: ‘Boyfriend material talaga siya’

Janine Gutierrez inaming very welcome siya sa pamilya ng mga Cruz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/30/2018 8:53 AM
Janine Gutierrez on Rayver Cruz: ‘Boyfriend material talaga siya’


 

Masayang naikuwento ni Janine Gutierrez na super welcome talaga siya sa pamilya nina Rayver Cruz at parang parte na rin siya ng pamilya ng aktor. In fact, siya pa nga raw ang nagpunta nung dinner ng pamilya Cruz para sa birthday ni Rayver.

“Gusto ko lang po siyempreng mag-greet ng happy birthday and simple lang naman yung greeting ko. May dinner po siya kasama yung family niya, so do’n na lang po ako sumama.

“Well, thankful po talaga ako dahil napakabait po talaga ng pamilya niya. And even naman before we became close, close na kami ni Rodjun, so naging madali na lang na makilala yung iba niyang kapatid, yung mommy niya,” masayang kuwento ni Janine sa PUSH.

Panay naman ang post ng older brother ni Rayver na si Rodjun tungkol sa mga kaganapan nila ng rumored boyfriend.

“Oo nga, ang dami ngang pino-post ni Rodjun. Nakakaloka. Kuyang-kuya siya don,” reaksyon niyang natatawa.

Pinag-usapan ba nila ni Rayver na huwag masyadong i-post sa social media ang tungkol sa kanilang dalawa?

“Hindi naman po. Wala naman pong usapan, pero ako po yung may gusto na walang pino-post,” sagot niya.

“Hindi naman po sa isinisikreto pero ayoko lang na yung personal ko na buhay yung pinaka-interesting thing about my career. Mas gusto ko na pinag-uusapan po yung mga trabahong ginagawa ko para mas simple, di  ba?” hirit pa niya.

Eh, anong label na ba ng kanilang relasyon ngayon?

“Ganun pa rin. Ganun pa rin po,” natatawa niyang sagot.

Friends lang kayo?

“Hindi naman friends. Siyempre, meron kaming… ganun pa rin. Shocks, ang hirap namang ma-decide. Alam n’yo na yon.”

MU (mutual understading) na ba kayo?

“Ganun pa rin?” sabi ulit niya na natatawa. “Happy ako pag kasama ko siya at yon… Well, ganun pa rin po talaga pero wala na ngang naniniwala sa akin, eh. Ha-ha-ha!”

Hindi ba siya komportableng i-share ang tungkol sa kanila ni Rayver?

“Actually, gusto ko po naman na nagse-share, pero yon pa rin po talaga. Medyo matagal na rin po kaming…
Boyfriend material ba si Rayver?

“Oo. Boyfriend material talaga siya. I think alam naman ng lahat ng tao na mabait siya,” huling pahayag niya sa PUSH.