Zanjoe Marudo, may “time” na para sa lovelife

Matapos ang mahigpit na schedule dahil sa dalawang pelikulang pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo, sinabi ng ‘To Love SomeBuddy’ at ‘Kusina Kings’ aktor na may oras na siya ngayon para sa buhay pag-ibig.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/3/2018 5:24 PM
Zanjoe Marudo, may “time” na para sa lovelife


Photo credit to: @onlyzanjoemarudo IG (L) and @josie_prendergast IG (R)

 

Hindi itinanggi ng Kapamilya hunk actor na nasa “getting to know each other” status na sila ni Josie Prendergast, isang model at surfer. Inamin din ni Zanjoe na kinikilig siya sa mga photos nila na kumakalat ngayon sa social media.

 

 

screenshots from Fashion Pulis

 

Maaalalang nagpost sa Instagram Story si Josie Prendergast na kasama si Zanjoe, kaya naging usap-usapan na maaaring nagde-date nga ang dalawa.

Kasalukuyang nagshu-shoot para sa movie poster ng “Kusina Kings’ si Zanjoe kasama ang personal niya ring kaibigan na si Empoy. Ayon sa kanya, matagal na nilang pinagpa-planuhan na gumawa ng isang comedy movie.  “Marami rin akong natutunan kay Empoy, like yung pagiging ‘raw’ sa mga eksena… Minsan kasi nagwowork din ‘yung mga atake na natural” dagdag niya.