• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla on working with Daniel Padilla in movies: ‘Gusto ko siya maging action star’

Robin Padilla on working with Daniel Padilla in movies: ‘Gusto ko siya maging action star’

Robin Padilla talks about his upcoming film project about the Marawi siege.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/3/2018 9:35 AM
Robin Padilla on working with Daniel Padilla in movies: ‘Gusto ko siya maging action star’


 

Robin Padilla said he is excited about his newest movie project. “Malapit na malapit na po ang partnership ng Spring Films at ABS-CBN. Ito yung Children of the Lake. Ito yung true story ng Marawi siege, kung ano yung nangyari talaga dun. Marami kasi tayong naririnig, marami tayong napapanuod na kuwento pero ito talaga yung katotohanan. At mas maganda na abangan niyo ito. Hanggang ngayon nasa pre-production pa rin sila kasi ka-partner din natin ang Armed Forces of the Philippines dito. Tinutulungan nila tayo para factual yung ating pelikula, hindi po ito kuwentong kutsero,” he said.

The Moneygram celebrity ambassador explained the significance of the movie and why it’s a story that needs to be told. “Kasi ang Marawi, yan ang past, present, at future ng Pilipinas. Kapag ang Marawi hindi natin na-solve, malaki ang problema natin. Kakalat ito. Lahat tayong mga Pilipino dapat nakatingin dun at nakamalasakit tayo dun kasi ininvade tayo dun ng dayuhan eh. Huwag natin kalimtuan na ininvade tayo ng foreign dun. Kailangan tumindig tayo at ipaglaban natin ang pagka-Pilipino natin. Huwag tayong pumayag na may pumasok na dayuhan dito,” he said.

Even though he had hoped that his nephew Daniel Padilla would be considered for the lead role, Robin revealed the casting has been finalized and the teen heartthrob won’t be joining him in the project. “Nalungkot lang ako kasi hindi natin naano (nakasama) si Daniel. Kasi gustong gusto ko na siya maging action star. Pero siyempre nirerespeto natin yung desisyon niya. Napunta sa ibang artista eh. Hindi ko alam eh kasi sila ni DJ yung nag-usap. Lumabas kasi ako sa usapan. Dito sa Children of the Lake kasi ayoko ma-involve. Yun lang ang request ko, sana makuha natin si Daniel. Final na eh, kasi mag-te-training na eh. Hindi ko nakita yung pangalan ni Daniel,” he said