• Home
  • Fresh Scoops
  • Pops Fernandez ibinahagi kung ano ang pumipigil sa kanyang pagbabalik showbiz

Pops Fernandez ibinahagi kung ano ang pumipigil sa kanyang pagbabalik showbiz

Mas happy na daw ngayon si Pops Fernandez sa kanyang buhay offcam.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/3/2018 10:45 AM
Pops Fernandez ibinahagi kung ano ang pumipigil sa kanyang pagbabalik showbiz


 

Looking young and gorgeous pa din ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa opening ng kanyang bagong business na Beautyzone kasama ang kanyang business partner na si Vina Morales.

Kuwento ni Pops, name-miss niya ang bumalik sa pag-awit at pag perform sa concert stage.

“I’m so grateful, I miss performing but parang now with my other business kasi especially with the production parang I really have to focus on that first,” bungad ni Pops.

Dahil sa matagal na pamamahinga ni Pops sa showbiz, inamin din niya ang isa sa mga pumipigil sa kanyang comeback.

“I’ll think about it. Yes, I miss singing but parang ninenerbyos kasi ako to come up with an anniversary show e this is the truth, lalo na at hindi na ako nakikita sa TV. Sino naman ang manunuod sa akin?” sabi pa ni Pops.

“Baka naman may pressure to invite everyone to watch me, so there’s that thing (kaba) so I’m okay na with what I have now.”

Bilang isa sa nga hinahangaan naman na singer noon, bilib din daw si Pops ngayon sa mga bagong henerasyon ng singers ngayon.

“Ang gagaling nila sobra grabe, nakaka-stress (Laughs). I think in time, new talents just got better and better. Of course hindi pa din magpapahuli ang mga ka era ko no na lumalaban pa din.”

Hanga din daw ang Concert Queen na nagagawa pa din na makipagsabayan ng kanyang mga ka-batch na performer sa bagong breed ng singers.

“It’s nice to see all the Filipino talents. Ngayon mas confident pa sila, ngayon may sarili din sila na style and nakaka-proud na kapag nakakapanuod ka ng Filipino talents whether dati man o baguhan e talagang nakakaka proud.”