• Home
  • Fresh Scoops
  • Naghahanda na ba si Jolo Revilla para sa mas mataas na puwesto sa gobyerno?

Naghahanda na ba si Jolo Revilla para sa mas mataas na puwesto sa gobyerno?

Papuntang Harvard si Jolo Revilla para mag-aral ng isang short course.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/3/2018 9:22 AM
Naghahanda na ba si Jolo Revilla para sa mas mataas na puwesto sa gobyerno?


Photo credit: @jolo_revilla on IG

 

Pagkatapos grumadweyt ng actor-politician na si Jolo Revilla sa Lyceum of the Philippines sa kursong Legal Studies ay balak naman niyang mag-aral sa Harvard University sa Boston.

“In September, I’m flying to Boston to take a short course, sa Harvard naman, sa School of Government, yung Leadership for the 21st Century.

“Short course lang naman, dahil sa palagay ko, hindi naman puwedeng… kailangang armasan ko rin yung sarili ko,” paliwanag ng vice governor ng Cavite.

Ang pag-aaral na gagawin daw niya sa Harvard ay hindi bilang paghahanda sa pagtakbo niya sa higher office ng gobyerno.

“I just want to take it one step at a time. I’m not planning to run with higher position. I’m only 30 years old. Pero that time will come for me.

“I’m doing this for myself, not for anyone, not for… I mean, kasi siyempre, gumagawa tayo ng mga ordinance at saka resolution as a vice governor, I’m the presiding officer of the Sangguniang Panlalawigan ng Cavite.

“Kumbaga, dapat lang naman talaga na nag-aaral kami at patuloy na nag-aaral dahil ginagawa namin ito para sa taong bayan. So, it is a must.

“Hindi porke’t grumaduate ka na sa pag-aaral mo, hindi ka na... kailangan continuous process yan, eh, dahil ang tao nag-i-evolve yan, di ba? Kung ang gadgets nga natin upgrade nang upgrade so dapat kami nag-a-upgrade din,” paliwanag pa ni Jolo.

Balik-showbiz na rin ngayon si Jolo. Regular siyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

May tinatapos din siyang pelikula titled 72 Hours under Imus Productions na part ng isang trilogy na pinagbibidahan ng dalawa pa niyang kapatid na sina Bryan at Luigi Revilla.

“Seven years pa ata ako huling gumawa ng pelikula. Ang last ko yon pang Si Enteng, Si Agimat at si Ako,” pagre-recall pa niya.

“Sa teleserye naman, yung My Binondo Girl pa yung last ko. Ang tagal na rin, di ba?”

Full blast na rin ba siya ulit  sa pag-aartista?

“Let’s see…  oo naman. Sa tingin ko naman kaya with the schedule. I think I’m doing it right now,” huling pahayag niya sa PUSH.