• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal on Sue Ramirez: ‘Trip lang naman, lagi kami nag-I love you.’

Maris Racal on Sue Ramirez: ‘Trip lang naman, lagi kami nag-I love you.’

Maris Racal confirms her new best friend is Sue Ramirez.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/3/2018 9:47 AM
Maris Racal on Sue Ramirez: ‘Trip lang naman, lagi kami nag-I love you.’


Photo credit: @sueannadoodles (L) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, kasabay ng pag-amin ni Maris Racal na hindi na sila best friends ni Loisa Andalio, ang pag-amin naman niya na ang new best friend na niya ngayon ay si Sue Ramirez.

Kontrobersyal din ang pagiging close nila ni Sue dahil sa maraming nag-isip na lesbian lovers sila. Inamin naman ni Maris na clingy sila ni Sue sa isa’t isa at nagsasabihan pa sila ng “I love you.” “Trip lang naman, lagi kami nag-I love you, clingy kami.”

Nang malaman daw niya na may nag-iisip na couple sila ay natuwa pa siya. “Hindi kami nagalit at all, natuwa ako na grabe ang dami palang nagsu-support kapag tingin nila may nag-a-out.” 

Pero nagsimula na daw maapektuhan at masaktan si Maris nang may mga nagsabi ng “Maris, itigil mo na yang pagiging clingy mo kay Sue kasi naapektuhan na yung love team mo kay Inigo (Pascual.)”