• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal on Loisa Andalio: ‘Yes, nagkaroon po ng away’

Maris Racal on Loisa Andalio: ‘Yes, nagkaroon po ng away’

Maris Racal confirms Loisa Andalio is no longer her best friend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/3/2018 9:43 AM
Maris Racal on Loisa Andalio: ‘Yes, nagkaroon po ng away’


Photo credit: @iamandalioloisa (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, tinanong si Maris Racal kung best friends pa ba sila ni Loisa Andalio at ang makahulugang sagot niya ay, “Yes, we are still friends.” 

Inamin din niya na magkaiba ang friends sa best friends. Isa daw sa dahilan kung bakit hindi na sila best friends ni Loisa ay ang magkaibang schedules nila. Pero hindi rin kinaila ni Maris na nagkaron sila ng “away” ni Loisa. “Yes nagkaron po ng away. Hindi naman yung sobrang away. Siguro misunderstanding lang. Malaking bagay po yung sobrang harsh na comments ng fans.”

Sinabi niya na nakapag-usap naman sila ni Loisa at inayos nila ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pag-create ng wall between reality and social media. “Nagke-create kami ng wall between social media and reality and dun po kami nag-focus sa reality na okay naman kami...” 

Nang tanungin kung san nagmula ang misunderstanding sa pagitan nila ni Loisa, ang sabi ni Maris ay, “lagi po kami nako-compare, who’s better, who’s not.”