• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal on Bela Padilla: ‘To call her na bad influence sa akin, sobrang na-hurt ako’

Maris Racal on Bela Padilla: ‘To call her na bad influence sa akin, sobrang na-hurt ako’

Maris Racal speaks up in defense of Bela Padilla.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/3/2018 9:40 AM
Maris Racal on Bela Padilla: ‘To call her na bad influence sa akin, sobrang na-hurt ako’


Photo credit: @bela (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, matapang na nagbigay ng reaksiyon si Maris Racal sa mga nagsasabing BI o bad influence sa kanya si Bela Padilla. Ito ay matapos magpost ng mga bikini pics si Maris nang siya ay pumunta siya sa Siargao kasama si Bela.

Ayon kay Maris, may mga taong kinukulong ang definition ng pagiging isang babae. “May mga tao talagang bina-box yung babae na they should be conservative, mahinhin and if you don’t follow that tatawagin ka nilang liberated, which they think sobrang negative ng word na yun.”

Paliwanag ni Maris, positibo para sa kanya ang salitang “liberated.” “For me being liberated is having the freedom to do whatever you want. And do whatever you think is right kasi may choice naman yung mga tao gawin yung gusto nila.”

Hindi rin daw masama ang pagsuot ng two-piece sa beach. “Sa akin po hindi mali yun at hindi naman yun nakaka-degrade sa sarili mo... hindi nakakabawas ng pagkababae if you show some skin.” Dagdag pa niya, “Tama na yung pagtawag nila ng liberated and I think mas i-embrace nila yung confidence ng babae.”

Pagdepensa din niya kay Bela, “I’m actually very thankful na nakilala ko siya kasi very nice siya na babae. Very independent. Very brave and hindi lang talaga nila alam kung ano yung pinag-uusapan namin...about K drama, very fun and lagi niyang sine-share yung magagandang natututunan niya about the craft. Which I admire about her because napakamalalim niyang tao... Sobrang galing siyang magsulat and to call her na bad influence sa akin, sobrang na-hurt ako.”