• Home
  • Fresh Scoops
  • Alexa Ilacad looking forward sa bagong opportunities bilang solo artist

Alexa Ilacad looking forward sa bagong opportunities bilang solo artist

Plano din daw pagsabayin ni Alexa ang showbiz at ang pag aaral

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/3/2018 5:30 PM
Alexa Ilacad looking forward sa bagong opportunities bilang solo artist


 

Nag-eexplore ngayon bilang isang ‘solo’ artist ang Kapamilya star na si Alexa Ilacad na nakapanayam ng entertainment press sa isang Kapamilya event. Wala na kasing ka-love team ang young actress ngayong nabuwag na ang tambalan nila ni Nash Aguas. 

Kuwento ni Alexa, positibo niyang nakikita ang kanyang showbiz career dahil sa mga bagong acting opportunities na dumarating sa kanya ngayon.

I’m given more freedom. I’m given this bigger chance to prove myself as an actress. I’m not being boxed, like kailangan sweet lang kagi or always pa cute,” bungad niya. 

Thankful naman si Alexa dahil kahit solo na siya, all-out  pa din ang support ng NLex (fans ni Nash at Alexa) sa kani-kanilang career.

Instead of getting mad, they understand us as individuals na may pinagdaanan kami personal at nire-respeto nila yun and they still support us individually,” sabi pa ni Alexa. 

May nga sumusuporta man, aminado ang young star na mayroon din na hindi natuwa at nag-bash sa kanya dahil sa hiwalayan by kanilang tandem.

Hindi ako nagbabasa naka-off ang comments ko especially on Twitter, on Instagram lang yung naka on. Recently, hindi naman mawawala ang bashing, I just want to remove that all negativity, I want to block it. It’s not needed naman,” ani pa ni Alexa.

Kasabay naman nito, isa din daw sa proud moments niya lately ay ang pagtatapos niya ng Senior High School.

Yes,I graduated Senior High School and ngayong pasukan, I’ll be taking Business Administration, Major in Marketing. I really want to get into business one day and to be an entrepreneur habang nag-aartista din,” pahayag ng aktres. 

Sa ngayon, in the works na din daw ang second solo album ni Alexa.