• Home
  • Fresh Scoops
  • 2013 Miss Universe Gabriela Isler, nag-react sa pagkakaroon ng Miss Universe transgender candidate

2013 Miss Universe Gabriela Isler, nag-react sa pagkakaroon ng Miss Universe transgender candidate

Si Gabriela Isler ay tumatayo bilang Miss Universe Venezuela Public Relations Director.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/3/2018 10:41 AM
2013 Miss Universe Gabriela Isler, nag-react sa pagkakaroon ng Miss Universe transgender candidate


Photo credit: zimbio.com

 

Mainit na pinag-uusapan ng mga pageant enthusiast ang pagkakapanalo ni Angela Ponce bilang kinatawan ng Spain sa 2018 Miss Universe pageant.

Si Angela Ponce ay ang unang transgender (Transwoman, Born Male) candidate na inaasahan na ipadadala ng bansang Spain sa upcoming prestigious pageant.

Read: Meet Angela Ponce, the first trans-woman who won Miss Universe Spain

Dahil dito, ilan sa former Miss Universe ang nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa pangyayaring ito.

Isa na dito si Miss Universe 2013 Gabriela Isler na tila hindi pabor na isali ang Born Male candidate sa Miss Universe pageant.

“They should have their own pageant. I think and they can realize that this pageant (Miss Universe) was made for women,” pahayag ni Gabriela sa isang TV appearance. 

Aniya, mayroong tamang pageant na dapat salihan ni Angela.

“They are, they have the opportunity, but they have to compete with the same team,” sabi pa niya.

Ipinaubaya naman ng Venezuelan beauty queen ang desisyon sa Miss Universe Organization kung dapat ba na ipadala ang transwoman sa Miss Universe Pageant.

“They have the opportunity to compete. It’s not my decision, but I’d like to give the power to (the Organization) but they have the opportunity to compete as a human being.”

Si Catriona Gray ang pambato ng Pilipinas sa 2018 Miss Universe Pageant