Hero Angeles: Art with a HeART

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/29/2018 10:58 AM
Hero Angeles: Art with a HeART


 

While he is more widely known as an actor and the first winner of Star Circle Quest, Hero Angeles is also an artist who likes sharing his talents with others.

Hero recalled that he was still very young when he first fell in love with drawing.

Yung hilig ko kasi sa art, nakuha ko siya sa family rin siguro. Nadevelop siya, habang pinapanuod ko yung mga gawa ng kapatid ko pag nagdo-drawing sila, ginagaya ko yun…

Nag-start siguro, (noong) bata pa talaga ako, mga Grade 1 or Grade 2, sa school lang talaga then. Siyempre habang tumatanda ako, nadedevelop siya kasama mga kapatid ko lahat nagdo-drawing, mga pinsan ko, tito ko.

Nag eenjoy kasi ako, nag-aral ako sa Catholic school so mga nakikita kong mga images ng mga santo. Kapag dumadating yung panahon ng Pasko, ng holy week, parang nagdodrawing kami ng life story ni Jesus.

Elementary ako, nagstart ako sa computers. Inaral ko yung paano gumamit ng Photoshop, hanggang mahasa ako. So nung bata ako grade 6 ako, sabi ko, siguro paglaki ko, graphic artist ako.

Yung pagpapainting (naman) gamit yung sauce, nagstart lang siya (noong) kumakain ako sa labas, or sa bahay. Habang yung iba hindi pa tapos, nagdo-doodle ako gamit yun. Di ko naman alam na may ganun talagang form ng art. So sabi ko, pwede din pala to… Pag gumagawa ako ng sauce ng barbecue, gamit ko yung stick, pagkakain ko, gagawa ako ng portrait ng pusa, ng tao, piktyuran ko lang.

FROM CELEBRITY TO VISUAL ARTIST

People first loved Hero as a dreamer that won a reality talent search on ABS-CBN. Shifting from celebrity to visual artist became a challenge for him. 

So nung nag aartista ako, nahinto ako sa pagdo-drawing, pag aral ng mga layouts sa computers, sa pagpipinta, and then nung medyo nawala ako sa limelight, dun ko na ulit tinuloy (ang pag pe-painting).

Actually mahirap pagsabayin yung pag-aartista at pagiging visual artist… Torn ako, di ko alam, (kung) kaya talaga. Pinilit kong balansehin, so habang may mga inquiries, may mga drama (shows) may mga shoot, after n’on, hangga’t kaya kong isingit, gumagawa talaga ako ng isang artwork. Hanggang sa kung kailan ko nalang kayang isingit sa free time ko.

Sa pag-aartista kasi masaya ako kasi gusto ko siyang gawin. Sumali ako sa contest sa SCQ dati, gusto ko siyang gawin kasi pangarap ko siya at the same time, makakatulong ako sa pamilya ko. 'Yun talaga ang purpose ko dati. Pero siyempre ang kaibahan sa art, sa pag-aartista kasi may director ka. Dito ikaw 'yung director mo kasi ikaw may hawak ng oras mo, ikaw rin ang magpa-pack up sa sarili mo, 'yung limit mo, handle mo lahat eh. 

 

ART WITH A PURPOSE

Hero said he believes that the greatness of every artwork is always rooted in its purpose and goals. He created a Facebook page called Artcetero as a platform for art enthusiasts to discuss and share their work. He also had personal goals for his family and friends.

Nag start (ang page) noong 2014, ‘yun yung time na bumalik talaga ako sa arts… Yung ginawa kong page na Artcetero, parang Art-etcetera-hero. Sabi ko sa page na to any form of art pag uusapan natin, or anything na related sa art. 

Tapos, gumawa ako ng slogan, na Create to Connect, Share to Inspire. Kapag nag-create ka kasi, magkakagawa ka ng connection sa tao, tapos pag-shinare mo ang talent mo, ang skill mo sa ibang tao, posible na may ma-inspire kahit na isa. At yung isang tao na yun pag na-inspire mo yun, posible ding gumawa siya. Tapos pag gumawa siya, pag shinare niya, iikot lang sa cycle. So cycle lang talaga.

Sinimulan ko siya kasi gusto ko ring tumulong. Kasi yung time na yun, yung tita ko, nagkaroon siya ng sakit. Nagfa-fund raising kami, isa dun sa way ng pagpproduce para sa medical expenses para makatulong na rin kahit papaano. So nag-exhibit ako, sa Iligan city, sa Mindanao… 
 
After n’on, nag-try nako ng miniature art, dahil dun, nag-expand din ako, bukod sa natutulungan ko ang tita ko, nagpapakain kami sa mga homeless. Minsan before Christmas, or bagong taon, iikot kami sa streets, magbibigay kami ng food. Kapag may bumili ng artwork, napupunta (ang kita) sa mga bata, sa mga foundation. Binibigyan namin sila ng mga regalo, ng mga gamit sa school. So iniikot ko lang din.

Ang Artcetero kasi is penname ko. Iyon ang way ko para para ihiwalay ang pagiging artista sa visual artist. Sinabi ko sa sarili ko na pag gumawa ako ng artworks ayaw kong gustuhin siya ng tao na ay gawa siya ng artista, gawa yan ni Hero. Ayoko kaya sa page ko hangga't maari ayokong magpost ng picture ko puro artworks lang.

 

LEAVING A LEGACY

Passing it through teaching in workshops is Hero’s way of showing appreciation to his God-given talent. Instead of selling his miniature sculptures, he chose to conduct trainings and lectures for people who want to learn polymer clay art.

Nung nakuha ko na yung technique sa paggawa ng miniature food art. Nagturo na ako, ako na yung nagpapa-workshop, kasi may mga nag-rerequest din. So kapag may grupo na nabuo, ayun, gagawa kami ng workshop.

Sana yung mga tao ay magustuhan yung ganitong klaseng art. Kasi nakaka release siya ng stress kapag sobrang marami kang iniisip, marami kang problema. Basta may mai-release ka na nasa isip mo, yung emotions mo yung expression mo sa ibang bagay. Through art, malaki ang tulong nun para sa ‘yo.

Sa mga gusto mag-try ng miniature food art, ang mga kailangan niyong gawin ay mag-ipon kayo ng maraming pasensya dahil 'pag maiksi ang pasensya niyo, hindi mo matatapos kasi sa akin naman sinasabi ko sa mga tao na nagtatanong sa akin na kapag nasimulan mo okay lang na mag-pause ka o tumigil ka pero huwag mo siyang iwan na unfinished. Kahit abutin ng isang taon, iba sa pakiramdam kasi 'pag natapos mo na eh so ayon kumbaga kapag ginagawa mo siya, kapag nabuo mo siya parang may anak ka na.

The art-making never stops, especially with Hero who has found his purpose.

You can catch more of Hero’s Artcetero through its facebook page, https://www.facebook.com/artcetero/ 
Instagram account at @iamheroangeles