• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Chito Roño, inaming nagduda kung mabibigyan ng hustisya ang kaso ni Vhong Navarro

Direk Chito Roño, inaming nagduda kung mabibigyan ng hustisya ang kaso ni Vhong Navarro

Bilang manager ni Vhong Navarro, nag-alala si Direk Chito Roño kung i-mamaniobra ng kabila ang mga kaso laban sa actor.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/29/2018 9:06 AM
Direk Chito Roño, inaming nagduda kung mabibigyan ng hustisya ang kaso ni Vhong Navarro


 

Inamin ni Direk Chito Roño, manager ni Vhong Navarro, nang makausap namin siya sa presscon ng Signal Rock, na sa simula ay nagkaroon sila ng pagdududa sa justice system sa bansa nang i-file nila ang Grave Coercion charges against Cedric Lee, Deniece Cornejo and Jed Fernandez.

 

Pero sa naging desisyon ng korte na guilty ang tatlo, napatunayan ni Direk Chito na buhay ang justice system sa Pilipinas.

 

“Kasi, akala namin mamaniobra, hindi pala. Hindi pala na mamaniobra ang hustisya natin. Parang nagkaroon lang kami ng illusion, siguro nawalan lang kami ng confidence, pero bilib pa rin ako sa ating justice system,” pahayag ng manager ni Vhong.

 

The moment din daw na dinismiss ng korte ang kasong rape and attempted rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong noon ay na-sense na nilang malilinis na ang pangalan ng aktor.

 

“Dismiss na yan earlier, eh, umapila lang sila. Umapila sila nang umapila pero talagang ngayon dinismiss na with finality, so hindi na nila mapa-file the same case. Bawal na kasi final na yung desisyon.

 

“Actually, masaya na kami before nung na-dismiss pero nag-apila sila. So, in fairness kasi, nagkaroon kami ng confidence sa justice system ngayon,” komento pa ni Direk Chito.

 

Dahil sa mga nangyari ay inamin din ni Direk Chito na sobrang maingat na ngayon si Vhong.

Aniya, “Si Vhong, maingat na ngayon kahit maglalalabas. Maingat siya kasi baka… One time kasi lumabas kami, nagtaka kami kung bakit may babaing pumasok tapos umirap, umalis, galit na galit.

 

“Tapos naimbestigahan ni Vhong kung sino yung mga yon, yon pala mga kaibigan ng kalaban. So, maingat din siya na mag-create ng something kasi baka ma-taunt siya, di ba? Baka mapatulan niya o mapatulan ng kasama niya, maging isyu pa. Maingat na siya sa paglalalabas.”

 

Samantala, after The Ghost Bride ng Star Cinema ay natuloy din ang para kay Direk Chito ay itinuturing niyang passion project. The title of the film is Signal Rock na pinagbibidahan ni Christian Bables at entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino simula August 15.

 

“Hindi talaga siya yung regular genre, hindi rin siya regular drama movie. It’s a passion project kasi unang-una, ang tagal ko ng binuo ang kuwento na ‘to.

 

“In fact, nagsimula ako na ano, ibibigay ko ba ito sa MMK o hindi? Eh, nanghinayang ako na magiging parang isang episode lang.”

 

Medyo maselan daw ang butt exposure scene ni Christian sa pelikula pero kinailangan niya itong tanggalin para mabigyan ng R-13 rating ng MTRCB.

 

“Meron akong director’s cut, nando’n yung butt exposure. Konti na lang yung pumping pero wala na yung butt exposure sa ipapalabas sa sinehan,” paalala ng magaling na director.