• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin ibinahagi ang magiging ‘twist’ sa kanyang bagong MMFF movie

Coco Martin ibinahagi ang magiging ‘twist’ sa kanyang bagong MMFF movie

Coco Martin, aminadong pangarap ang makasama Vic Sotto sa isang pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/30/2018 7:50 AM
Coco Martin ibinahagi ang magiging ‘twist’ sa kanyang bagong MMFF movie


 

Looking forward na ngayon ang FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin para sa muli niyang pagsabak sa Metro Manila Film Festival. Isa siya sa mga bida ng Jak Em Poy, The Pulis Credibles at inaabangan na ang tambalan nila ng veteran comedian Vic Sotto at TV personality na si Maine Mendoza.

“Na-surprise ako na ang laki pala ng casting namin, sobrang laki po. Honestly parang dalawang mundong pinagsama,” bungad ni Coco sa naganap na story conference ng movie nitong Sabado.

 

Ayon pa kay Coco, siya ang gumawa ng paraan para maisakatuparan ang kanyang pangarap na proyekto.

“Honestly po, kinausap ko po si Mr. T (Tony Tuviera), e ayun nga po hindi ko po kasi alam kung paano makakausap si Bossing (Vic Sotto), actually dating dati ko pa siya gusto makasama sa pelikula,” paliwanag ni Coco.

“Nakipag-collaborate po sa ‘min si Mr. Tuviera, nagpalitan po ng kanya kanyang kuwento para mapaganda yung pelikula, tapos sabi niya kakausapin daw niya si Bossing,” dagdag pa ng aktor.

Si Coco din muli ang direktor ng kanyang MMFF entry kaya’t aabangan ang kakaibang twist ng istorya.

“Ibang kombinasyon naman, lahat ng makakasama ko taga Eat Bulaga tapos si Bossing naman ang mga makakasama niya mga taga ABS-CBN at Ang Probinsyano kaya ibang iba ang dynamics na makikita natin,” kwento pa ni Coco.